5. Kasunod ng insidente sa Zhaoyuan, Shandong noong Mayo 28, pinalakas ng CCP ang pagsisikap na atakihin ang mga bahay-simbahan, at hanggang sa punto pa nga na nagpakilos ito ng mga armadong pulisya upang pigilan at sugpuin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Maraming tao ang nagpahayag ng pag-aalinlangan tungkol sa insidente ng Zhaoyuan, naniniwala na ito ay isang pagtatangka ng CCP na atakihin at pigilan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng pekeng kaso upang ibaling ang opinyon ng publiko laban dito. Sa kabila nito, ang kaso ay nilitis sa publiko sa isang korte ng CCP at iniulat ng mga pangunahing media sa China, at ang ilang tao ay naniwala sa sinabi ng CCP. Gusto naming marinig kung ano ang saloobin mo tungkol sa insidente sa Zhaoyuan.

Sagot:

Ang Kaso ng Shandong Zhaoyuan—na mag-isang inimbento ng CCP—ay nagkaroon ng matinding epekto sa China at sa ibang bansa noong panahong iyon at maraming ignoranteng tao ang nalinlang nito. Ngunit maloloko ba nito ang mundo? Sa kasalukuyan, gaano karaming tao ang nagtitiwala pa rin sa mga paghatol ng mga korte ng CCP at sa mga pag-uulat ng media nito? Walang panlilinlang at pagtatago sa katotohanan na nagtatagal; ang mga kasinungalingan ay mananatiling kasinungalingan, at hindi kailanman maaaring maging katotohanan. Alam ng lahat ng nakakaintindi sa CCP na ang bansang China ay pinaghaharian ng isang Komunistang diktadurya at walang kasarinlan ang hukuman nito o malayang pamamahayag. Walang kasarinlan ang mga hukom ng CCP; kailangan nilang gawin kung ano ang sinasabi ng gobyernong CCP at ang lahat ng kaso ay hinahawakan ayon sa kagustuhan ng gobyerno. Ang media ng bansang China ay kontrolado rin ng gobyernong CCP, at mga bibig lamang at kasangkapan ng diktaduryang CCP. Tanggap na katotohanan ang mga ito. Walang pag-aalinlangan na ang mga kaso sa mga korte ng CCP ay mga katawa-tawang palabas na bumabaluktot sa mga totoong pangyayari at bumabaligtad sa katotohanan. Walang anumang pagiging makatarungan o patas dito! Sa panahon ng pagsasakdal sa publiko ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan, malinaw na sinabi ng mga taong pinaghihinalaan na “Hindi ako kailanman nakipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,” at “ang inaatake ng estado ay ang ‘Makapangyarihang Diyos’ ni Zhao Weishan, hindi ang aming ‘MakapangyarihangDiyos.’” Malinaw sa kanilang mga pag-amin na hindi sila mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at hindi rin sila kinikilala ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; wala silang anumang kaugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kaya bakit nagbingi-bingihan ang hukom ng CCP sa bagay na ito at hindi pinagpasyahan ang kaso batay sa mga totoong nangyari? Bakit lantarang sinalungat ng hukom ang pag-amin ng mga taong pinaghihinalaan at sadyang binaluktot ang mga totoong pangyayari, binaligtad ang katotohanan, at ipinagpilitang mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mga taong ito na pinaghihinalaan sa kabila ng kawalan ng anumang ebidensiya? Hindi ba’t halata naman na nag-imbento ng kasinungalingan ang CCP upang idiin at akusahan nang hindi totoo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, upang sugpuin at usigin ang Iglesia at siraan ito sa publiko? Hindi ba nito sinalungat ang mga totoong pangyayari, hindi ba nito niyurakan ang batas? Hindi ba ito mga lantarang kasinungalingan? Paanong hindi pagdududahan ang gayong uri ng paghatol? Maraming taon nang nagkakalat ang CCP ng mga kasinungalingan at panlilinlang. Lalo pa itong nagiging kilala sa kabuktutan at kawalan ng kahihiyan, tiwali at masama. Sirang-sira na ang reputasyon nito; sa mismong bansa nito at sa ibang bansa, hindi matitiis ang mabahong alingasaw nito. Parami na nang parami ang mga tao sa buong mundo na nakakakita kung ano talaga ang CCP; wala nang naniniwala pa sa CCP, dahil ang CCP ay isang nakakasuklam at ateistang partido sa pulitika, isang grupong pagmamay-ari ni Satanas ang diyablo na walang kapantay sa buong mundo sa kasamaan at paglaban nito sa Diyos.

Ang sinumang may pagkaunawa sa CCP ay malamang na pamilyar sa modus operandi nito. Sa tuwing marahas na sinusugpo ng CCP ang paniniwalang panrelihiyon, mga kilusan para sa mga demokratikong karapatan, mga protesta ng etnikong minorya, at iba pa, gumagawa muna ito ng mga pekeng insidente upang gawing mali ang opinyon ng publiko at galitin ang madla, pagkatapos ay isasagawa nito ang madugong pagsugpo. Gawin nating halimbawa ang mga protesta sa Tiananmen Square noong 1989: Isa lamang itong kilusan ng mga estudyante noong una na lumalaban sa katiwalian at nagtataguyod ng demokrasya at kalayaan, ngunit nag-utos ang CCP sa mga di-nakilalang indibidwal na magkunwaring mga estudyante at makihalo sa mga nagpoprotesta, kung saan ay lumikha sila ng gulo sa pamamagitan ng paggawa ng mga bandalismo, panununog, at paninira ng mga sasakyan ng militar. Ang mga estudyante lamang ang pinagbintangan at binansagan ang pagkilos ng mga estudyante na isang kontra-rebolusyonaryong panggugulo, at sa pamamagitan nito ay nagkaroon sila ng dahilan para sugpuin ang mga estudyante at ilunsad ang madugong panghuhuli kung saan hindi bababa sa ilang libong estudyante ang binaril o sinagasaan ng mga tanke. Sa ganitong paraan nagpakana ang CCP ng nakakakilabot na kampanya na nagpayanig sa mundo at ikinadismaya nang husto ng mga mamamayang Tsino—ang Madugong Patayan sa Tiananmen Square. Ganito rin ang nangyaring pagsugpo ng CCP sa mga protesta ng mga taga-Tibet. Una, inutusan nito ang mga tao na makihalo sa mga nagpoprotesta habang sinusunod ang utos na gumawa ng mararahas na gawain, kabilang na ang pagsunog, pagpatay, pagnanakaw at pangungulimbat, pagkatapos ay pinakilos nito ang hukbong-katihan upang paputukan ang mga nagpoprotesta sa kadahilanang pinipigil nito ang paghihimagsik ng mga taga-Tibet. At marami pa itong ibang ginawa. Ang mga totoong pangyayaring ito ay katunayan ng alam na alam nang taktika ng CCP sa paglipol sa mga lumalaban dito: Una, umiimbento ito ng mga kasinungalingan, binabaluktot nito ang mga totoong pangyayari, at gumagawa ng mga maling akusasyon, pagkatapos ay isinasagawa nito ang madugong panghuhuli. Sa katunayan, naging batayan ang Kaso sa Zhaoyuan kung saan nagawang pasamain ng CCP ang opinyon ng publiko upang walang-awang pahirapan at usigin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isa na naman itong karumal-dumal na krimen sa pang-uusig ng CCP sa paniniwalang panrelihiyon. Subalit matapos sugpuin at usigin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maraming taon, nagawa nga ba ng CCP na lipulin ito? Maraming taon na ang nakararaan, nagkasala sa disposisyon ng Diyos ang mga Hudyo sa pamamagitan ng pagpako sa Panginoong Jesus sa krus; sinumpa sila ng Diyos, at dumanas ng walang katulad na pagkawasak ng kanilang bayan. Dahil sa naggagalaiting pagsalungat nito sa Diyos at walang-awang pang-uusig sa mga Kristiyano, nawasak din ang Imperyo ng Roma sa pamamagitan ng salot na ipinadala ng Diyos. Totoo ang lahat ng pangyayaring ito. Hindi magawang takasan ng CCP ang masumpa at maparusahan ng Diyos dahil sa pagsalungat at pagkokondena nito sa gawain ng Diyos ng mga huling araw. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na, “Nagtitiwala kami na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Ang mga humahadlang sa gawain ng Diyos, lumalaban sa salita ng Diyos at nanggugulo at sumisira sa plano ng Diyos ay parurusahan ng Diyos sa huli. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mabubura sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan).

Sinundan: 4. Bagaman naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos, nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, nagpapalaganap ang CCP ng impormasyon na nagsasabing Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nilikha ng isang tao, at ginagawa mo ang anumang sinasabi nito. Pinatototohanan mo na ang taong ito ay isang pari, isang taong ginamit ng Diyos, at siya ang may responsibilidad sa lahat ng mga administratibong gawain. Hindi ko ito mawari—sino nga ba ang nagtatag ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Ano ang pinagmulan nito? Maaari mo bang ipaliwanag ito?

Sumunod: 6. Pinatototohanan mo na ang Cristo ng Mga Huling Araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at inihahayag Niya ang lahat ng katotohanan para sa paghatol, paglilinis, at pagliligtas ng sangkatauhan. Gayunpaman inaangkin ng CCP na ang “Makapangyarihang Diyos” na pinaniniwalaan mo ay isang ordinaryong tao lamang. Alam ng CCP ang lahat tungkol sa background ng pamilya ng taong ito, at naipost din ang larawan, pangalan, at address ng pamilya ng taong ito online. Hindi ko ito maintindihan—totoo ba o hindi ang sinasabi ng CCP?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito