433 Kapag Puso Mo’y Ibinigay Mo sa Diyos
Ⅰ
Para mahalin at maniwala sa Diyos,
dapat abutin ng tao ang Espiritu ng Diyos
gamit ang puso, gamit ang puso,
kaya nakakamtan nila ang kaluguran ng Diyos.
Dapat abutin ng tao ang salita ng Diyos gamit ang puso,
upang sila’y maantig, maantig ng Espiritu ng Diyos.
Kung hindi ibigay ng mga tao ang kanilang puso
sa Diyos sa paniniwala nila sa Kanya, sa Kanya,
kung silay hindi yayakapin ang Kanyang pasanin,
dinaraya nila ang Diyos,
pangrelihiyon lahat ang ginagawa nila.
Hindi ito tatanggap ng papuri ng Diyos.
Kapag ibinibigay mo ang buong puso mo sa Diyos,
magkakaroon ka ng mas malalim na pagpasok,
mapasa mas mataas na antas ng pananaw,
at magkakaroon ka ng higit na pag-unawa
ng iyong mga kahinaan at iyong kapintasan,
masigasig na bigyang-lugod ang kalooban ng Diyos,
aktibo, di walang-kibo, sa pagpasok.
Ipinakikita nito na ikaw ay tamang tao.
Ⅱ
Kung ang puso mo’y ibinubuhos sa Diyos,
at kayang manahimik sa Kanyang harapan,
gagamitin ka ng Banal na Espiritu,
pagpapalinaw ay matatanggap mo.
Banal na Espiritu ang pupuno sa kakulangan mo.
Pag ibinibigay mo ang puso mo sa Diyos,
maiintindihan mo ang bawat di-pansing
pang-aantig sa espiritu, sa espiritu,
at bawat pagliliwanag mula sa Diyos.
Panghawakan ito, ikaw ay papasok
sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos.
Ⅲ
Kapag hindi ibinibigay kanilang puso sa Diyos,
sa gayon espiritu ng tao’y nagiging mapurol at manhid.
Ang ganitong tao’y hindi magkakaroon ng tamang
pag-unawa sa mga salita ng Diyos,
o ng wastong kaugnayan sa Diyos,
at kanilang disposisyon ay hindi magbabago.
Ang pagbabago ng disposisyon ay pagbibigay
ng kanilang puso nang lubusan sa Diyos,
at pagtanggap ng pagliliwanag
mula sa lahat ng salitang sinabi ng Diyos.
Kapag ibinibigay mo ang buong puso mo sa Diyos,
magkakaroon ka ng mas malalim na pagpasok,
mapasa mas mataas na antas ng pananaw,
at magkakaroon ka higit na pag-unawa
ng iyong mga kahinaan at mga kapintasan,
masigasig para malugod ang kalooban ng Diyos,
aktibo, di walang-kibo, sa pagpasok.
Ipinakikita nito na ikaw ay tamang tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos