432 Maka-Diyos Yaong Madalas Tahimik sa Harap ng Diyos

1 Kailangan mong humarap nang madalas sa Diyos, kainin at inumin at pagnilay-nilayan ang Kanyang mga salita, at tanggapin ang Kanyang pagdisiplina at patnubay sa iyo. Kailangan mong magawang magpasakop sa lahat ng sitwasyon, tao, bagay, at pangyayari na naiplano ng Diyos para sa iyo, at pagdating sa mga bagay na medyo hindi mo maarok, kailangan mong manalangin nang madalas habang hinahanap mo ang katotohanan; sa pag-unawa lamang sa kalooban ng Diyos mo masusumpungan ang daan pasulong. Kailangan mong magpitagan sa Diyos, at maingat na gawin ang dapat mong gawin; kailangan mong madalas na pumayapa sa harap ng Diyos, at huwag kang magpakasama. Kahit man lang kapag may nangyari sa iyo, ang una mong reaksyon dapat ay ipanatag ang sarili mo, pagkatapos ay manalangin kaagad. Sa pagdarasal, paghihintay, at paghahanap, magtatamo ka ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos.

2 Kung, sa kaibuturan ng iyong puso, nagpipitagan at nagpapasakop ka sa Diyos, at kaya mong tumahimik sa harap ng Diyos at unawain ang Kanyang kalooban, sa pakikipagtulungan at pagsasagawa sa ganitong paraan, mapoprotektahan ka. Hindi ka makakaranas ng tukso, o magkakasala sa Diyos, o gagawa ng mga bagay na gagambala sa gawain ng pamamahala ng Diyos, ni hindi ka gagawa ng anuman para pukawin ang pagkamuhi ng Diyos. Kung madalas mong napapalugod ang Diyos sa puso mo, mapipigilan ka, at matatakot sa Diyos sa maraming bagay. Hindi ka gaanong makakalayo, o gagawa ng anumang bagay na napakasama. Hindi mo gagawin yaong kinamumuhian ng Diyos, at hindi ka magsasalita nang walang katuturan. Kung tinatanggap mo ang obserbasyon ng Diyos, at ang Kanyang pagdidisiplina, iiwasan mong gumawa ng maraming bagay na masama. At sa gayon, malalayuan mo ang kasamaan.

3 Yaong mga hindi iniibig ang katotohanan ay hindi nananalangin sa Diyos o hinahanap ang katotohanan kapag may nangyayari sa kanila. Kung madalas kang kumikilos ayon sa sarili mong kalooban, namumuhay ayon sa iyong mala-satanas na disposisyon at inihahayag ang iyong mapagmataas na disposisyon, at kung hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos o pagdidisiplina ng Diyos, at hindi mo sinusunod ang Diyos, kung gayon ang mga taong tulad nito’y laging namumuhay sa harap ni Satanas at kontrolado ng kanilang mala-satanas na disposisyon. Ang gayong mga tao ay wala kahit katiting na paggalang sa Diyos. Talagang hindi nila kayang layuan ang kasamaan, at kahit hindi sila gumagawa ng masama, lahat ng iniisip nila ay masama pa rin, at wala itong ugnayan sa katotohanan at sumasalungat sa katotohanan. Iniisip nilang karapatan nilang gumawa ng masama at itinuturing nila ang pananampalataya sa Diyos bilang isang uri ng mantra, bilang isang anyo ng seremonya. Sila’y di-mananampalataya!

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos Makatatahak ang Isang Tao sa Landas ng Kaligtasan

Sinundan: 431 Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik ng Iyong Puso sa Harap ng Diyos

Sumunod: 433 Kapag Puso Mo’y Ibinigay Mo sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito