434 Ibaling Mo ang Puso Mo sa Diyos Upang Madama ang Pagiging Kaibig-ibig Niya
I
Kung lalo mong napapalugod ang Diyos,
mas lalong puso mo’y babaling sa Kanya.
Kung lalo kang nananalangin,
mas lalo mong makikita’ng
pagiging kaibig-ibig Niya.
Kung lalo mo Siyang napapalugod,
mas mabibigyan ka ng pasanin Niya,
mas lalo mo Siyang mamahalin,
higit na lalong puso mo’y babaling sa Kanya.
Kapag naabot mo na ang antas,
kung saan dama mo’ng pagiging kaibig-ibig Niya,
maaari mo Siyang purihin
mula sa kaibuturan ng puso mo.
Walang makakapigil sa ‘yong pag-awit
kapag Siya’y iyong pinupuri.
Madarama mo’ng pagiging kaibig-ibig Niya
kapag puso mo’y bumaling sa Kanya,
oo, kapag puso mo’y bumaling sa Kanya.
II
Kung lalong lumalago’ng pag-ibig mo sa Diyos,
kokonti ang mga maling saloobin.
At ‘di makakahanap si Satanas
ng tsansang gawin mga paraan nito sa’yo.
Ganap kang makakaalis
sa kapaligiran ng kamatayan,
at ang puso mo’y tunay na
babaling sa Diyos upang damhin
pagiging kaibig-ibig Niya.
Kapag naabot mo na ang antas,
kung saan dama mo’ng pagiging kaibig-ibig Niya,
maaari mo Siyang purihin
mula sa kaibuturan ng puso mo.
Walang makakapigil sa ‘yong pag-awit
kapag Siya’y iyong pinupuri.
Madarama mo’ng pagiging kaibig-ibig Niya
kapag puso mo’y bumaling sa Kanya,
oo, kapag puso mo’y bumaling sa Kanya.
Hango sa Pagbabahagi ng Diyos