236 Makikita Ba ng mga Hindi Tumatanggap sa Bagong Gawain ng Banal na Espiritu ang Pagpapakita ng Diyos?
Hanggang matapos ang pamamahala Niya,
gawain Niya’y ‘di pa titigil, Siya’y laging abala.
Siya’y ‘di kailan tumigil, ngunit iba ang tao.
I
Nagkamit lang ng maliit na gawain ng Espiritu,
‘tinuturing niya ‘tong ‘di kailanman magbabago.
Nagkamit lang ng maliit na kaalama’t
siya’y ‘di sumusunod sa yapak Niya
sa mas bagong gawain.
Maliit na pag-alam sa gawain Niya,
tao’y maniniwalang
paano Siya hanggang ngayon ay ‘di magbabago.
Yamang natitiyak tungkol
sa isang yugto ng gawain,
tao’y ‘di tanggap ang bagong gawain
sinumang magpahayag nito.
Taong ‘to’y ‘di matanggap ang bagong gawain.
Sila’y masyadong konserbatibo.
‘Di kayang tumanggap ng bagong bagay.
Naniniwala sa Diyos ngunit Siya’y tinatanggihan.
Yaong sumusunod lang sa mga yapak ng Cordero
hanggang sa pinakahuli
ang magkakamit ng huling biyaya,
habang ang naiwawala ang daan
bago marating ang huli
ngunit iniisip na nakamtan na’ng lahat
ay walang kakayahang masaksihan
ang pagpapakita ng Diyos.
II
Pinuputol nila’ng bagong gawain Niya,
na walang mabuting dahilan,
sigurado pa rin silang
dadalhin sila ng Diyos sa langit.
Sila’y sumusunod sa Bibliya,
ngunit salita’t kilos ay marumi,
dahil sila’y mapanlinlang,
lumalaban sa gawain ng Espiritu.
‘Di sila makasabay sa gawain ng Banal na Espiritu.
Kumakapit lang sila sa lumang gawain.
Sila’y ‘di lang ‘di tapat,
nagiging kalaban din ng Diyos
at ang mga parurusahan.
May mas nakakaawa pa ba kaysa kanila?
Yaong sumusunod lang sa mga yapak ng Cordero
hanggang sa pinakahuli
ang magkakamit ng huling biyaya,
habang ang naiwawala ang daan
bago marating ang huli
ngunit iniisip na nakamtan na’ng lahat
ay walang kakayahang masaksihan
ang pagpapakita ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao