134 Nawa’y Makapiling Ko ang Diyos Magpakailanman
1 Malapit Ka nang bumalik sa Sion, at ang aking puso ay masyadong nalulungkot. Napakaraming salita sa aking puso na nais kong sabihin sa Iyo ngunit hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Napakaraming utang ang dapat bayaran. Hindi ko nagampanan nang mabuti ang aking tungkulin at naiwan akong may panghihinayang. Sino ang nakakaalam na magiging ganoon kabilis ang panahon? Hindi mapaglabanang pumapatak ang mga luha ng pagsisisi. Tinamasa ko ang labis na pag-ibig Mo, at ang puso ko ay nababagabag dahil hindi ko ito nagawang gantihan. O, Diyos! Ikaw ay aalis—paano ko makakayang hayaan Kang umalis?
2 Sino ang makalilimot sa mga pangyayari nang nakaraan? Sinong makabibitaw sa tali ng dating damdamin? Madalas Ka naming nakakasama sa loob ng maraming taon. Ang Iyong mga salita ay nagdilig at tumustos sa amin. Kami ay nagbunyag ng kayabangan, katigasan at paghihimagsik; kami ay Iyong tinabasan, iwinasto, hinampas at dinisiplina. Napakaraming beses Mo na kaming nahatulan at nakastigo nang matindi. Sa gayon lamang nalinis ang aming katiwalian. Ibinigay Mo na ang Iyong buhay para sa aming kapakanan. Sa gayon lamang kami mababago ngayon bilang kami. Hahangarin ko ang katotohanan at tutuparin ko ang aking tungkulin nang mabuti. Ilalaan ko ang aking sarili sa Iyo, upang mapalugod Ka kahit minsan lang.
3 Tahimik na umaagos ang luha sa aking mga pisngi dahil alam na alam ko na hindi Kita mahihimok na manatili. Naiwan akong may panghihinayang na hindi kailanman nalunasan. Ang puso ko ay puno ng sakit at pagsisisi. Kahit na maikli ang panahong ginugol nating magkasama, nakaukit sa puso ko ang Iyong tinig at ang nakangiti Mong mukha. Iniisip ko ang Iyong tinig at inaasam ang pag-ibig Mo. Ang Iyong pag-ibig para sa tao ay malalim at matatag. Ang kamangha-manghang nakaraan ay naging alaala. Paanong hindi ko ito hahanap-hanapin? Paano ko malilimutan ang Iyong mga masigasig na turo? Ibabaon ko ang aking pananabik sa Iyo sa kailaliman ng aking puso. Hindi ko alam kung kailan tayo muling magkikita. Nawa’y makapiling Kita magpakailanman.