135 Pananabik sa Diyos
1 Habang pinapanood ang pag-alis ng Diyos, ang puso ko’y nadudurog. Ang mga nakaraang sandali ay nagbabalik sa aking isipan, ang mga turo ng Diyos ay umaalingawngaw sa aking mga tainga. Huwag malungkot, huwag mabalisa. Sa sandali ng ating paghihiwalay, napakaraming mga salita sa aking puso na nais kong ipagtapat. O Diyos, o Diyos, mahal kong Diyos! Kailan tayo muling magkikita, kailan namin muling maririnig ang Iyong mga turo?
2 Nasasabik ako sa Diyos, ang aking puso’y nagsisisi. Napakaraming paglabag na mahirap bumawi, isang utang na naiwan sa aking puso. Ang mga salita ng Diyos ay humahatol, at ang mga ito’y umaaliw sa akin. Pinapayuhan Niya ako nang paulit-ulit, at matiyagang tinuturuan ako; ang Kanyang mga salita ay gumagabay sa akin nang pasulong sa bawat hakbang. O Diyos, o Diyos, mahal kong Diyos! Ang aming mga puso ay nangungulila sa Iyo, nananabik kaming makasama Kang muli.
3 Nasasabik ako sa biyaya ng Diyos, nangungulila sa Diyos. Lumalakad akong kasama ang Diyos sa matinding paghihirap at panganib; sa kagipitan, mas malalim kong nadarama ang pag-ibig Niya. Kahihiyan at mga luha, kirot at sakit. Sa gitna ng paghihirap at pagpipino, ang mga salita ng Diyos ay sumasaakin; naninindigan ako sa aking patotoo, at matagumpay ako laban kay Satanas. O Diyos, o Diyos, mahal kong Diyos! Ang aming mga puso ay nangungulila sa Iyo, mamahalin Ka namin at mananatiling tapat sa Iyo habambuhay.
4 Kaya kong pag-usapan ang nakaraang pinagsaluhan nang walang katapusan. Ngunit luha’y pumupuno sa aking mga mata at ako’y walang masabi, ang mga pangaral ng Diyos ay naalala sa aking puso. Pumupunta ako sa dulo ng mundo, sa kailaliman ng karagatan. Gaano man kahirap ang paglalakbay, hindi ako lilihis sa pagtapos ng aking misyon. O Diyos, o Diyos, mahal kong Diyos! Ang aming mga puso ay nangungulila sa Iyo, kami ay habambuhay na magmamahal at mabibilang sa Iyo.