133 Balang Araw Dapat Magkita Tayong Muli
1 Kapag kasama natin ang Diyos, tumatawa tayo at ngumingiti at ito’y napakatamis. Nagsasalita Ka at gumagawa upang diligin kami at ipastol, at ipinagkakaloob Mo sa amin ang katotohanan. Nakaukit ang mga salita Mo sa aming mga puso, kaming lahat ay taimtim na nagmamahal sa Iyo. Malapit nang matapos ang gawain Mo, at hindi magtatagal ay lilisanin Mo na kami. Hindi ko pa nasusuklian ang kabutihan at pag-ibig Mo. O Diyos! Makapangyarihang Diyos! O Diyos! Makapangyarihang Diyos! Malapit Ka nang lumisan, kaya’t paanong hindi ako malulungkot?
2 Iniisip ko ang mga nakaraang utang, at nasasaktan ang puso ko na parang nahiwa ng kutsilyo. Nasaktan Kita nang husto dahil sa kawalang pagpapahalaga ko at pagiging suwail, at pagsisisihan ko ito habambuhay. Paulit-ulit Mo akong itinutuwid at dinidisiplina, ginigising ang manhid kong puso. Iwinawaksi ng paghatol at pagkastigo ang katiwalian ko at isinasabuhay ko ang wangis ng isang tao. Nakakamit ko ngayon ang pagpapadalisay at pagliligtas Mo, mas lumalapit ang puso ko sa Iyo. O Diyos! Makapangyarihang Diyos! O Diyos! Makapangyarihang Diyos! Malapit Ka nang lumisan, at hindi ko makakalimutan itong mga dating damdamin.
3 Magbabalik Ka na sa Sion at inaasahan naming makakasama Kang muli. Bagama’t magkakahiwalay tayo, nasa langit Ka at kami’y nasa lupa, balang araw dapat magkita tayong muli. Ang mga salita Mo ay sumasamin, nananabik kami sa pag-ibig Mo. Ang disposisyon Mo ay banal at matuwid, at karapat-dapat itong purihin. Dapat naming panatilihin ang Iyong mga ibinigay na gawain at magpatotoo para sa Iyo magpakailanman. O Diyos! Makapangyarihang Diyos! O Diyos! Makapangyarihang Diyos! Nakaukit ang pag-ibig Mo sa aming mga puso at iibigin Ka namin magpakailanman.