508 Magtuon sa Pagsasagawa ng Katotohanan Upang Maperpekto

I

Kung ika’y bukas, walang arte’t kilala ang sarili,

‘sinasagawa’ng katotohanan,

tiyak na pagpapalain ka ng Diyos,

kaya ‘pag mahina’t negatibo ka,

nililiwanagan ka Niya nang doble,

tinutulungang mas makilala ang sarili,

at mas makapagsisi,

maisagawa ang dapat mong isagawa.

Sa gan’tong paraan lang

mapapayapa’t giginhawa ang puso mo.


‘Pag pineperpekto ka ng Diyos,

nililiwanagan ka Niya

sa paggamit ng kanais-nais na parte mo

upang ika’y may landas ng pagsasagawa,

mahihiwalay sa lahat ng negatibo,

mapapalaya ang ‘yong espiritu,

mas magagawa mo Siyang mahalin.

Sa gayo’y maiwawaksi mo

ang pagtitiwali ni Satanas.


II

Siya na nakatuon sa pagsasagawa niya,

sa pagkilala sa Diyos at sa sarili niya’y

madalas na makatatanggap ng

gawain, patnubay at kaliwanagan ng Diyos.

Kahit na gayong tao ay

nasa isang negatibong kalagayan,

napapaikot niya agad ang mga bagay

dahil sa budhi o kaliwanagan ng salita ng Diyos.


Pagbabago sa disposisyon ng tao’y

nakakamit ‘pag alam ang kalagayan nila’t

‘pag disposisyo’t gawain ng Lumikha’y alam nila.

Ang taong handang maging bukas

at sarili’y kilalanin

ay kayang isagawa’ng katotohanan.

Nauunawaan nila ang Diyos, sila’y tapat,

kaunti man o marami ang nauunawaan nila.

Ito’y pagiging matuwid ng Diyos,

at sariling pakinabang nila.


‘Pag pineperpekto ka ng Diyos,

nililiwanagan ka Niya

sa paggamit ng kanais-nais na parte mo

upang ika’y may landas ng pagsasagawa,

mahihiwalay sa lahat ng negatibo,

mapapalaya ang ‘yong espiritu,

mas magagawa mo Siyang mahalin.

Sa gayo’y maiwawaksi mo

ang pagtitiwali ni Satanas.


III

Siyang may kaalaman sa Diyos

ay may batayan at pananaw.

Sigurado sila tungkol sa katawan,

gawai’t salita ng Diyos.

Pa’no man gumagawa o nagsasalita ang Diyos,

o pa’no nagsasanhi ng gulo ang iba,

taong ito’y kayang manindigan

at sumaksi sa Diyos.


‘Pag pineperpekto ka ng Diyos,

nililiwanagan ka Niya

sa paggamit ng kanais-nais na parte mo

upang ika’y may landas ng pagsasagawa,

mahihiwalay sa lahat ng negatibo,

mapapalaya ang ‘yong espiritu,

mas magagawa mo Siyang mahalin.

Sa gayo’y maiwawaksi mo

ang pagtitiwali ni Satanas.


‘Pag mas maraming alam ang tao

tungkol sa Diyos,

mas magagawa nila

ang katotohanang nauunawaan nila.

Dahil laging ‘sinasagawa’ng salita ng Diyos,

mas kilala nila ang Diyos

at gustong tumayong saksi

magpakailanman, magpakailanman.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto

Sinundan: 507 Sa Pagsasabuhay Lang ng Realidad Makasasaksi Ka

Sumunod: 509 Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito