734 Malamang na Suwayin Mo ang Diyos Kapag Marami Kang Hiling sa Kanya
1 Wala nang mas mahirap pang tugunan kaysa sa mga hinihingi ng mga tao sa Diyos. Kung wala sa mga ginagawa ng Diyos ang umaayon sa iyong iniisip, at kung hindi Siya kumikilos alinsunod sa iyong iniisip, kung gayon ay malamang na lumaban ka—na ipinapakita na, sa kalikasan, lumalaban ang tao sa Diyos. Dapat malaman at malutas ang suliraning ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan. Maraming hinihingi sa Diyos ang mga taong walang katotohanan, samantalang wala namang hinihinging anuman ang mga taong tunay na nakauunawa sa katotohanan; nararamdaman lamang nila na hindi sila lubos na nakapagbigay-lugod sa Diyos, na hindi sila lubos na nakasusunod sa Diyos.
2 Sinasalamin ng laging paghingi ng mga tao sa Diyos ang kanilang tiwaling kalikasan. Kung hindi mo ito itinuturing na malubhang suliranin, kung hindi mo ito itinuturing bilang mahalagang bagay, kung gayon ay magkakaroon ng peligro at mga nakatagong panganib sa landas ng iyong paniniwala. Nagagawa mong pagtagumpayan ang mga ordinaryong bagay, subalit kapag nasasangkot ang iyong kapalaran, mga adhikain, at patutunguhan, marahil hindi mo nagagawang magtagumpay. Sa oras na iyon, kung wala pa rin ang katotohanan sa iyo, maaaring muli kang mahulog sa mga dati mong paraan, at kung magkagayon, magiging isa ka sa mga nawasak.
3 Marami sa mga tao ang palagi nang sumunod nang ganoon; umasal sila nang maayos noong panahon na sumunod sila, ngunit hindi malalaman sa pamamagitan nito kung ano ang mangyayari sa hinaharap: Ito ay dahil hindi ka kailanman nagkaroon ng kamalayan sa iyong nakapagpapabagsak na kahinaan, o sa mga bagay na nahahayag mula sa iyong kalikasan at na maaaring lumaban sa Diyos, at kapag hindi pa nagdadala sa iyo ng sakuna ang mga ito, nananatili kang walang kaalam-alam, at malamang, kapag natapos na ang paglalakbay mo at natapos na ang gawain ng Diyos, gagawin mo ang pinakalumalaban sa Diyos at ang pinakamatinding paglapastangan sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao mula sa Diyos