764 Para Mahalin ang Diyos, Kailangan Ninyong Maranasan ang Kanyang Pagiging Kaibig-ibig
I
Kung ang tao’y nananalig sa Diyos,
at dinaranas Kanyang salita,
na may pusong ‘ginagalang Siya,
ililigtas, mamahalin Niya sila.
Kaya nilang patotohanan ang Diyos,
katotohana’y isinasabuhay nila’t
saksi kung ano ang Diyos at disposisyon Niya.
Sa pag-ibig ng Diyos, nabubuhay sila.
Kung tao’y nais mahalin ang Diyos,
kariktan Niya’y dapat lasapin,
kariktan Niya’y dapat tingnan;
saka lang mapupukaw
pusong nagmamahal sa Diyos
at tapat na gumugugol sa Diyos.
II
Ayaw Niya silang mahalin Siya
sa salita o imahinasyon.
Hinahayaan lang Niya sila
na mahalin Siya nang kusa.
Kariktan Niya’y ‘pinapakita
sa salita’t gawain Niya,
at nagkakaroon sila
ng tunay na pagmamahal sa Kanya.
Sa ganitong paraan lang Siya mapapatotohanan.
Pagmamahal sa Kanya’y ‘di pilit
o sa silakbo ng damdamin.
Kung tao’y nais mahalin ang Diyos,
kariktan Niya’y dapat lasapin,
kariktan Niya’y dapat tingnan;
saka lang mapupukaw
pusong nagmamahal sa Diyos
at tapat na gumugugol sa Diyos.
III
Mahal nila Siya dahil kariktan Niya’y nakikita,
na maraming dapat mahalin sa Kanya.
Nakita pagliligtas, dunong,
kamangha-manghang gawa Niya.
Kaya Siya ay pinupuri nila at hinahangad,
pinukaw damdamin nila
na ‘di sila mabubuhay
nang ‘di natatamo ang Diyos.
Kung tao’y nais mahalin ang Diyos,
kariktan Niya’y dapat lasapin,
kariktan Niya’y dapat tingnan;
saka lang mapupukaw
pusong nagmamahal sa Diyos
at tapat na gumugugol sa Diyos,
at tapat na gumugugol sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag