983 Bawat Araw na Nabubuhay Kayo Ngayon ay Lubhang Mahalaga
Bawat araw na nabubuhay
kayo ngayo’y mahalaga
sa kapalaran at hantungan niyo.
Ipakatangi lahat ng mayro’n kayo ngayon,
pahalagahan ang bawat minutong lumilipas,
gamitin ang oras para sa
pinakamalaking pakinabang,
upang ‘di mawalan ng saysay ang buhay niyo.
I
Maa’ring nalilito kayo kung bakit
binibigkas ng Diyos ang gan’tong mga salita.
Sa totoo lang, ‘di Siya nalulugod sa
mga ‘kinikilos ng sinuman sa inyo.
Dahil ‘di kayo ngayon katulad
ng mga inaasahan Niya sa inyo.
Bawat isa sa inyo’y nasa bingit ng kapahamakan.
Ang paghingi niyo ng tulong,
ang dating hangaring
mahanap ang katotohana’t liwanag
ay malapit nang magwakas.
‘Di kailanman naghintay ang Diyos
ng gayong kabayaran.
‘Di Siya kailanman nagsasalita
nang salungat sa katotohanan,
dahil labis niyo Siyang nabigo.
Marahil ayaw niyong tanggapin
o harapin ang realidad,
ngunit seryosong tinatanong kayo ng Diyos:
Ano ba’ng nakapuno sa puso niyo
sa mga taong ito?
Kanino ito matapat?
Bawat araw na nabubuhay
kayo ngayo’y mahalaga
sa kapalaran at hantungan niyo.
Ipakatangi lahat ng mayro’n kayo ngayon,
pahalagahan ang bawat minutong lumilipas,
gamitin ang oras para sa
pinakamalaking pakinabang,
upang ‘di mawalan ng saysay ang buhay niyo.
II
Kilalang-kilala kayo ng Diyos;
Siya’y sobrang nagmamalasakit sa inyo,
pinuhunan nang labis ang puso Niya
sa inyong mga kilos at gawa.
Kaya patuloy Niya kayong pinananagot,
tinitiis ang mapait na hirap.
Ngunit ang tanging isinusukli niyo sa Kanya’y
pagwawalang-bahala at pagsuko.
Tinatrato niyo nang basta-basta ang Diyos.
Sa tingin niyo ba’y
wala Siyang alam tungkol dito?
Ito’y nagpapatunay na ‘di mabuti’ng
pagtrato niyo sa Kanya.
Niloloko niyo ang sarili niyo.
Masyadong tuso kaya ‘di niyo alam
ang ginagawa niyo,
kaya ano’ng gagamitin niyo
upang managot sa Kanya?
Bawat araw na nabubuhay
kayo ngayo’y mahalaga
sa kapalaran at hantungan niyo.
Ipakatangi lahat ng mayro’n kayo ngayon,
pahalagahan ang bawat minutong lumilipas,
gamitin ang oras para sa
pinakamalaking pakinabang,
upang ‘di mawalan ng saysay ang buhay niyo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?