984 Lahat ng mga Gumagawa ng Masama ay Target ng Parusa

1 Bago pumasok sa pamamahinga ang sangkatauhan, matutukoy kung parurusahan ba o gagantimpalaan ang bawat uri ng tao ayon sa kung hinangad ba nila ang katotohanan, kung kilala ba nila ang Diyos, at kung maaari ba silang magpasakop sa nakikitang Diyos. Salat sa katotohanan yaong mga nagsagawa ng paglilingkod sa nakikitang Diyos, subalit hindi Siya nakikilala o nagpapasakop sa Kanya. Tagagawa ng kasamaan ang gayong mga tao, at walang alinlangang magiging mga pakay ng kaparusahan ang mga tagagawa ng kasamaan; higit pa rito, parurusahan sila ayon sa kanilang buktot na pag-uugali.

2 Ang Diyos ay para sa mga tao na paniwalaan, at karapat-dapat din Siya sa kanilang pagtalima. Ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos at hindi nagagawang magpasakop sa Diyos ay yaong mga may pananampalataya lamang sa malabo at di-nakikitang Diyos. Kung hindi pa rin magagawang maniwala ng mga taong ito sa nakikitang Diyos sa oras na natapos ang gawain Niya ng panlulupig, at magpapatuloy sa pagiging masuwayin at lumalaban sa Diyos na nakikita sa katawang-tao, walang alinlangan na itong “mga tagasunod ng malabong Diyos” na ito, sa huli, ay magiging mga pakay ng pagwasak.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Sinundan: 983 Bawat Araw na Nabubuhay Kayo Ngayon ay Lubhang Mahalaga

Sumunod: 985 Hindi Ba Kayang Isantabi ng Tao ang Kanilang Laman sa Maikling Panahong ito?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito