142 Mangangahas Ka Bang Igiit na ang Pangalan ng Diyos ay Hindi Kailanman Maaaring Magbago?

Sabi ng ilan ‘di nagbabago’ng pangalan ng Diyos.

Kaya, bakit, naging Jesus si Jehova?

Nahulaan ang pagdating ng Mesiyas,

kaya bakit dumating ‘sang nagngangalang Jesus?

Bakit nagbago’ng pangalan ng Diyos dati?

‘Di ba makakagawa’ng Diyos ng bagong gawain ngayon?

Diyos laging magiging Diyos.

Kahit gawai’t pangalan Niya’y maa’ring magbago,

disposisyon at karunungan Niya’y ‘di magbabago.

Diyos laging magiging Diyos.

Kahit gawai’t pangalan Niya’y maa’ring magbago,

disposisyon at karunungan Niya’y

‘di magbabago, ‘di magbabago.


Dating gawai’y maaaring magbago’t

gawain ni Jesus nagpatuloy mula kay Jehova.

‘Di ba makakasunod ibang mga gawain sa gawain ni Jesus?

Kung pangalan ni Jehova ay maa’ring palitan ng Jesus,

mapapalitan din kaya’ng kay Jesus?

Walang kakaiba rito; ito’y dahil tao’y kay simple ng isip.

Diyos laging magiging Diyos.

Kahit gawai’t pangalan Niya’y maa’ring magbago,

disposisyon at karunungan Niya’y ‘di magbabago.

Diyos laging magiging Diyos.

Kahit gawai’t pangalan Niya’y maa’ring magbago,

disposisyon at karunungan Niya’y ‘di magbabago.


Kung paniwala mong Diyos matatawag lang na Jesus,

kaalaman mo’y lubhang makitid.

Lakas-loob mong sinabing

Jesus ang magpakailanmang

pangalan ng Diyos na ‘di nababago,

pangalan ni Jesus tumatapos

sa Kapanahunan ng Kautusan

ang tatapos din ba sa huling kapanahunan?

Sino’ng makakasabing biyaya ni Jesus

ang makakatapos sa kapanahunan?

Diyos laging magiging Diyos.

Kahit gawai’t pangalan Niya’y maa’ring magbago,

disposisyon at karunungan Niya’y ‘di magbabago.

Diyos laging magiging Diyos.

Kahit gawai’t pangalan Niya’y maa’ring magbago,

disposisyon at karunungan Niya’y

‘di magbabago, ‘di magbabago.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?

Sinundan: 141 Ang Disposisyon ng Diyos ay Nakikita sa Bawat Yugto ng Kanyang Gawain

Sumunod: 143 Maaari bang Tukuyin ng mga Nilalang ng Diyos ang Kanyang Pangalan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito