141 Ang Disposisyon ng Diyos ay Nakikita sa Bawat Yugto ng Kanyang Gawain
I
Sa Panahon ng Kautusan,
gawain ng paggabay sa tao’y
ginawa sa ngalan ni Jehova;
dito ang unang yugto’y nagsimula.
Gawain dito’y ang itayo
ang templo at ang altar,
kautusan ang gabay ng Israel
at kasama nila para gumawa.
Gawain Niya’y lumawak mula Israel,
nalaman ng sumunod na salinlahi,
na si Jehova’y ang Diyos Mismo,
naglalang ng nilikha, lupa’t langit.
‘Pinalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain
gamit ang mga taga-Israel
at mas pinalawak pa nang lampas sa kanila.
Ginawa Niya ‘to sa Panahon ng Kautusan.
Tunay na disposisyon ng Diyos ‘pinakikita
sa gawain Niya sa bawat panahon,
at kapwa ngalan at gawain Niya’y
bago sa bawat bagong panahong ‘sinisilang.
II
Sa Panahon ng Biyaya,
ngalan ng Diyos ay Jesus.
Ang Diyos ay Diyos ng kaligtasan,
puno ng pag-ibig at awa.
Sa yugtong ito kasama Niya ang tao,
pag-ibig at awa Niya,
at kaligtasan Niya’y kapiling
ang bawat isang tao.
Sa pagtanggap lang
ng presensiya’t ngalan ni Jesus
magkakaroon ng kapayapaan, galak, at pagpapala,
kaligtasan Niya’t maraming biyaya.
Sa pagkakapako ni Jesus sa krus,
lahat ng sumunod sa Kanya’y,
tumanggap ng kaligtasan,
kasalanan nila’y pinatawad.
Tunay na disposisyon ng Diyos ‘pinakikita
sa gawain Niya sa bawat panahon,
at kapwa ngalan at gawain Niya’y
bago sa bawat bagong panahong ‘sinisilang.
III
Sa mga huling araw,
ngalan Niya’y ang Makapangyarihan—
Makapangyarihang Diyos, kapangyariha’y ginagamit
upang tao’y gabayan, lupigi’t makamit.
At sa wakas sa huli, wawakasan Niya’ng panahon.
Sa bawat yugto at panahon,
disposisyon Niya’y pinakikita.
Tunay na disposisyon ng Diyos ‘pinakikita
sa gawain Niya sa bawat panahon,
at kapwa ngalan at gawain Niya’y
bago sa bawat bagong panahong ‘sinisilang.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3