1023 Iba’t-ibang Lugar ng Kapahingahan para sa Diyos at sa Tao
Kapag ang Diyos at ang tao
ay magkasamang pumasok sa kapahingahan,
ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan
ay nailigtas at si Satanas ay nawasak na,
na ang gawain ng Diyos sa gitna
ng tao ay lubusang natapos.
Hindi na magpapatuloy sa paggawa
ang Diyos sa gitna ng tao,
at ang tao ay hindi na mamumuhay
sa ilalim ng sakop ni Satanas.
Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala,
at ang tao ay hindi na magmamadali;
ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan.
Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon,
at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar.
Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos
at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos.
Ⅰ
Ang Diyos ay may sarili N’yang hantungan,
at ang tao’y may sarili rin n’ya.
Ang Diyos na nagpapahinga’y
mananatiling ginagabayan ang tao,
na sasamba sa ‘sang tunay na Diyos sa langit.
Di mamumuhay ang Diyos sa sangkatauhan;
ang tao’y ‘di kayang mabuhay sa hantungan ng Diyos.
Ang Diyos at tao’y di maaaring
mabuhay sa parehong kaharian,
sa kanya-kanyang paraan ng pamumuhay.
Ang sangkatauhan ang bunga ng pamamahala ng Diyos
at ang layunin ng Kanyang paggabay,
habang ang Diyos ang Siyang namumuno sa kanila.
Ang Diyos at ang tao’y magkaiba sa kakanyahan.
Ⅱ
Ang lugar ng kapahingahan ng tao’y sa lupa;
ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay sa langit.
Ang taong nagpapahinga’y sasamba sa Diyos
at sa lupa’y mabubuhay,
at ang Diyos na nagpapahinga’y
mamumuno sa sangkatauhan.
Ang Diyos ay mamumuno mula
sa langit at hindi mula sa lupa.
Diyos ay Espiritu pa rin,
tao’y mananatiling laman pa rin.
Ang Diyos at ang tao, bawat isa’y
nagpapahinga sa sarili nilang paraan.
Nagpapakita ang Diyos sa tao habang nagpapahinga S’ya.
Habang ang sangkatauha’y nagpapahinga,
sila’y dadalhin ng Diyos upang bumisita sa langit,
at magsaya kung ano ang buhay sa mundo ng langit,
at magsaya kung ano ang buhay sa mundo ng langit.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama