139 Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao
I
Ang gawain ng Diyos Mismo’y
saklaw ang gawain sa tao at
kumakatawan sa gawain ng buong panahon.
Ibig sabihin na ang gawain ng Diyos
ay kumakatawan sa bawat galaw
at kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu.
Gawain ng mga apostol ay
dumarating matapos ang gawain ng Diyos
at kasunod nito’t ‘di namumuno sa panahon,
ni kumakatawan sa anumang kalakaran
ng gawain ng Banal na Espiritu sa buong panahon.
Ginagawa lang nila’ng dapat gawin ng tao.
Walang kinalaman ito sa pamamahala ng Diyos.
Ang gawain ng Diyos Mismo’y
proyekto ng gawaing pamamahala.
Ang gawain ng tao’y
tungkulin lang ng mga ginagamit,
at ‘di bahagi ng gawaing pamamahala,
‘di ‘to bahagi ng gawaing pamamahala.
II
Sa kabila ng katotohanang kapwa’y
gawain ng Banal na Espiritu,
dahil sa kaibahan ng pagkakakilanlan
at kinakatawan ng bawat isa,
ang gawain ng Diyos Mismo
at gawain ng tao’y ganap na magkaiba.
Ang lawak ng gawain ng Banal na Espiritu’y
nag-iiba sa mga may magkaibang pagkakakilanlan.
Ito ang mga saklaw at prinsipyo
ng gawain ng Banal na Espiritu.
Ang gawain ng Diyos Mismo’y
proyekto ng gawaing pamamahala.
Ang gawain ng tao’y
tungkulin lang ng mga ginagamit,
at ‘di bahagi ng gawaing pamamahala,
‘di ‘to bahagi ng gawaing pamamahala.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao