138 Dapat Magpatotoo ang Tao sa Diyos sa Bawat Yugto ng Kanyang Gawain
I
‘Pag tao’y mas nakikipagtulungan sa Diyos,
mas nagbibigay ‘to ng luwalhati sa Kanya.
Pakikipagtulungan ng tao’y patotoong
dapat niyang dalhin,
at patotoong ito’y ang pagsagawa ng tao.
Ang buong pamamahala ng Diyos
ay binubuo ng tatlong yugto.
Bawat yugto, tao’y hinihingan ng kinakailangan.
Sa paglipas ng panahon,
mga hinihingi ng Diyos ay tumataas.
Hakbang sa hakbang,
gawain Niya’y aabot sa rurok,
hanggang makita ng tao’ng
pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.
Kaya, mga kinakailangan sa tao’y nadagdagan pa,
pati ang hinihingi sa tao na magpatotoo sa Kanya.
II
Sa nakaraan, tao’y dapat sundin ang batas;
siya’y dapat maging mapagkumbaba’t matiisin din.
Ngayon kinakailangan niyang
sumunod sa disenyo ng Diyos;
siya’y dapat may kataas-taasang pag-ibig sa Diyos.
Sa huli, dapat mahalin pa rin ng tao’ng Diyos
habang tinitiis ang kanyang pagdurusa.
Ito’ng mga kinakailangan ng Diyos sa tao,
unti-unting binunyag ng pamamahala Niya.
Ang buong pamamahala ng Diyos
ay binubuo ng tatlong yugto.
Bawat yugto, tao’y hinihingan ng kinakailangan.
Sa paglipas ng panahon,
mga hinihingi ng Diyos ay tumataas.
Hakbang sa hakbang,
gawain Niya’y aabot sa rurok,
hanggang makita ng tao’ng pagpapakita
ng Salita sa katawang-tao.
Kaya, mga kinakailangan sa tao’y nadagdagan pa,
pati ang hinihingi sa tao na magpatotoo sa Kanya.
III
Bawat yugto ng gawain Niya’y
mas lumalalim kaysa sa huli,
kinakailangan sa tao’y mas malalim na lumalago.
Kaya, buong pamamahala ng Diyos
ay dahan-dahang humuhubog. Oohhh!
Dahil sa mas mataas na mga hinihinging ‘to,
disposisyon ng tao’y mas lalong lumalapit
sa pamantayang hinihingi ng Diyos.
Saka lang makasisimula ang taong
maging malaya sa impluwensya ni Satanas.
‘Pag gawain ng Diyos ay nakumpleto,
lahat ng sangkatauhan ay maliligtas
sa impluwensya ni Satanas.
Ang buong pamamahala ng Diyos
ay binubuo ng tatlong yugto.
Bawat yugto, tao’y hinihingan ng kinakailangan.
Sa paglipas ng panahon,
mga hinihingi ng Diyos ay tumataas.
Hakbang sa hakbang,
gawain Niya’y aabot sa rurok,
hanggang makita ng tao’ng pagpapakita
ng Salita sa katawang-tao.
Kaya, mga kinakailangan sa tao’y nadagdagan pa,
pati ang hinihingi sa tao na magpatotoo sa Kanya,
magpatotoo sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao