140 Gumagamit ng Iba’t Ibang Pangalan ang Diyos para Kumatawan sa Iba’t Ibang Kapanahunan
Sa bawat kapanahunan,
may bagong gawain ang Diyos
at Siya’y tinatawag sa bagong pangalan;
paanong gagawa Siya ng parehong gawain
sa magkaibang kapanahunan?
Maaari bang tukuyin ng isang pangalan
ang Kanyang kabuuan?
Maging kapanahunan man ni Jehova o ni Jesus,
ang bawat panaho’y
kinakatawan ng isang pangalan.
I
Sa katapusan ng Panahon ng Biyaya,
ang huling panahon at si Jesus ay dumating na.
Paanong tatawagin pa rin Siyang Jesus,
na nasa anyong Jesus muli?
Nakalimutan mo na bang si Jesus
ay ang Manunubos lamang ng sangkatauhan?
Paano Niya lulupigi’t gagawing perpekto ang tao
sa mga huling araw, sa mga huling araw?
Ang pangalan, gawain,
mga larawan ng Diyos ang ginagamit
upang hatii’t baguhin ang mga kapanahunan.
Pangala’t gawain N’ya ang kumakatawan
sa Kanyang panahon
at sa gawain Niya sa bawat panahon.
Walang ngalang ganap
na kumakatawan sa Diyos.
Bawat isa’y pwede lang kumatawan
sa disposisyon Niya sa panahong ‘yon,
basta’t tumutukoy sa gawain Niya.
Kaya, makakapili ang Diyos anumang pangalan
ang angkop sa disposisyon Niya
upang kumatawan sa panahong iyon.
II
Sa bawat panahon,
ang gawaing ginagawa ng Diyos,
ang pangalan kung saan Siya’y tinatawag,
ang larawang ginagamit Niya,
at lahat ng gawain Niya hanggang ngayon,
walang sinusunod na isang batas ang mga ito,
at hindi rin nalilimitahan.
Siya’y si Jehova at Jesus,
Siya ang Mesiyas at Makapangyarihang Diyos.
Gawain Niya’y nagbabago
sa paglipas ng panahon
katumbas ang pagbabago sa Kanyang ngalan.
Lahat ng ngalan N’ya’y tumutukoy
sa Kanya ngunit walang ganap.
Ang gawain Niya’y
nagpapakita ng disposisyon Niya.
Walang ngalang ganap
na kumakatawan sa Diyos.
Bawat isa’y pwede lang kumatawan
sa disposisyon Niya sa panahong ‘yon,
basta’t tumutukoy sa gawain Niya.
Kaya, makakapili ang Diyos anumang pangalan
ang angkop sa disposisyon Niya
upang kumatawan sa panahong iyon.
Ang pangalan Niya, ang pangalan Niya,
ang pangalan Niya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3