261 Nais Kong Ilaan ang Buong Buhay Ko sa Diyos
I
O Diyos, gumugol tayo ng oras,
na magkasama’t magkahiwalay.
Mahal Mo pa rin ako higit pa sa lahat.
O Diyos, ipinagdadalamhati Mo ang
pagrerebelde ko sa Iyo nang paulit ulit.
Paano ko malilimutan?
O Diyos, lagi kong isinasaisip
Iyong gawain sa’kin
at pati mga ipinagkatiwala Mo sa akin.
O Diyos, sa gawaing ginawa Mo sa akin,
binigay ko’ng lahat.
Alam Mo’ng kaya kong gawin
at papel na kayang gampanan.
Nais kong ilaan ang buong buhay ko sa Iyo.
Wala ‘kong hinihingi,
walang ibang plano’t mithiin.
Nais ko lang kumilos ayon sa Iyong plano.
Gawin ang kalooban Mo’t
uminom sa mapait Mong saro.
At ako’y sa Iyo, ako ay Iyo,
upang pag-utusan Mo.
II
O Diyos, susundin ko’ng Iyong ipag-uutos,
at ilalaan ang lahat ng mayroon ako sa Iyo.
O Diyos, alam Mo ang kaya kong gawin
para sa Iyo, at ang aking papel.
O, nasa awa Mo ako.
Nais kong ilaan ang buong buhay ko sa Iyo.
Wala ‘kong hinihingi,
walang ibang plano’t mithiin.
Nais ko lang kumilos ayon sa Iyong plano.
Gawin ang kalooban Mo’t
uminom sa mapait Mong saro.
At ako’y sa Iyo, ako ay Iyo,
upang pag-utusan Mo.
III
Paulit-ulit man akong nilinlang ni Satanas,
bagama’t sa aking paghihimagsik,
Ika’y nagdalamhati,
‘di Mo ‘ko inaalala sa aking mga paglabag,
o tinatrato ng batay doon.
Nais kong ilaan ang buong buhay ko sa Iyo.
Wala ‘kong hinihingi,
walang ibang plano’t mithiin.
Nais ko lang kumilos ayon sa Iyong plano.
Gawin ang kalooban Mo’t
uminom sa mapait Mong saro.
At ako’y sa Iyo, ako ay Iyo,
upang pag-utusan Mo.