262 Napakarami Kong Nakakamit mula sa Pagkastigo at Paghatol ng Diyos
Ⅰ
Diyos ko, kapag tinatrato Mo akong mabuti,
gumagaan ang pakiramdam ko at sumasaya.
Diyos ko, kapag kinakastigo Mo ako,
tumitindi ang galak ko at tuwa.
Kahit mahina ako, nagtitiis nang matinding sakit,
kahit umiiyak ako at nalulungkot,
alam Mong ang kalungkutan ko’y nagmumula
sa aking kahinaan at pagsuway.
‘Di ko matutugunan ang Iyong kalooban at kahilingan,
nalulungkot ako at nanghihinayang.
Ngunit gagawin ko ang lahat ng makakaya ko
upang mabigyan Ka ng kasiyahan
at maabot ang ganitong kalagayan.
Pinoprotektahan ako ng Iyong pagkastigo.
Ito ang pinakamahusay na kaligtasang natanggap ko.
Hinihigitan ng paghatol Mo ang pagtitiis.
Hinahayaan akong tamasahin ang Iyong awa.

Ⅱ
Nakikita ko na ngayon na ang pag-ibig Mo’y
lampas sa langit, hinihigitan ang lahat.
Ang iyong pag-ibig ay hindi lang basta awa,
ito ay pagkastigo at paghatol.
Higit pa ang ibinigay ng mga ito sa akin.
Kung wala ang mga ito, walang malilinis,
walang sinumang makakaranas ng pag-ibig ng Maylikha.