260 Hangad Ko Lamang na Mahalin ang Diyos sa Aking Puso

I

O, Diyos! ‘Di ko hinihiling sa iba na

tratuhin ako nang maayos o pagtiisan,

ni maintindihan nila ako,

o sang-ayunan nila ako.

Tanging hiling ko lang ay

ibigin Ka sa puso ko,

nang may malinis na budhi

at mapalagay ang puso ko.


Nais ko lang kumilos

ayon sa pag-ibig ng puso ko sa Iyo.

Hinihiling ko lang na paglingkuran Ka

nang may tunay na puso’t katotohanan.

Walang ibang hiling kundi

gawin ang kalooban Mo habang nabubuhay,

at gawin lahat ng ginagawa ko

ayon sa kalooban Mo.


II

‘Di ko hinihiling na purihin ng iba,

o tingalain nila ako;

hiling ko lang, mula sa puso

na mapalugod Kita,

at hiling ko lang na

maisagawa ko ang katotohanan,

nang sa gayon ay

mabigyan Kita ng kasiyahan.


Nais ko lang kumilos

ayon sa pag-ibig ng puso ko sa Iyo.

Hinihiling ko lang na paglingkuran Ka

nang may tunay na puso’t katotohanan.

Walang ibang hiling kundi

gawin ang kalooban Mo habang nabubuhay,

at gawin lahat ng ginagawa ko

ayon sa kalooban Mo.


III

Ginagampanan ko’ng tungkulin nang tapat,

at bagama’t ako’y hangal

at mababa’ng kakayahan,

alam na alam kong kaibig-ibig Ka,

at handa akong ilaan sa Iyo

ang lahat sa akin.


Nais ko lang kumilos

ayon sa pag-ibig ng puso ko sa Iyo.

Hinihiling ko lang na paglingkuran Ka

nang may tunay na puso’t katotohanan.

Walang ibang hiling kundi

gawin ang kalooban Mo habang nabubuhay,

at gawin lahat ng ginagawa ko

ayon sa kalooban Mo.

Sinundan: 259 Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha

Sumunod: 261 Nais Kong Ilaan ang Buong Buhay Ko sa Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger