621 Ang Sinuman ay Hindi Maaaring Maglingkod sa Diyos Hangga’t Hindi Nagbabago ang Kanyang Disposisyon
I
Serbisyo sa Diyos ay ‘di simpleng gawain,
hinding-hindi mo Siya mapaglilingkuran
nang may tiwaling disposisyon
na maaaring manatiling ‘di nagbago.
Kung disposisyon mo’y ‘di pa nahusgahan,
kung ‘di pa nakastigo ng salita ng Diyos,
sa gayon disposisyon mo’y
kinakatawan si Satanas,
patunay ‘tong ang serbisyo mo sa Diyos
ay mula sa’yong sariling mabuting hangari’t
batay sa’yong maka-Satanas na kalikasan.
Paglilingkod sa Diyos
gamit ang likas na pagkatao
ayon sa iyong kagustuhan,
iniisip na nagagalak Siya sa’yong nais
at napopoot sa ayaw mong gawin,
kagustuhan mo’ng gumagabay sa gawain mo—
pa’no matatawag ‘tong paglilingkod sa Diyos?
II
Sa huli, disposisyon mo’y ‘di magbabago’t
serbisyo mo’y gagawin kang
mas mahirap baguhin.
Ibig sabihin katiwalia’y matatanim,
at iyong paglilingkod sa Diyos
ay nagiging batay sa
pagkatao mo’t mga karanasan.
Ito’y mga aral at pilosopiya ng tao.
Mga taong ganito’y mga Fariseo,
mga relihiyosong namumuno.
Kung hindi sila magsisisi’t gigising,
sila’y magiging mga huwad na Kristo’t
mga anticristong sinabi noong
lilitaw sa mga huling araw.
Serbisyo sa Diyos ay ‘di simpleng gawain,
hinding-hindi mo Siya mapaglilingkuran
nang may tiwaling disposisyon
na maaaring manatiling ‘di nagbago.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon