620 Ilaan ang Puso Mo sa Pagsasagawa ng Kalooban ng Diyos
1 Nais Kong paalalahanan ka na kahit na kaunting kalabuan o kawalang-ingat sa Aking salita ay hindi katanggap-tanggap; dapat kang makinig at sumunod, at magsagawa alinsunod sa Aking mga intensyon. Dapat palagi kang alerto, at hindi kailanman magpakita ng isang mapagmataas o mapagmagaling na disposisyon; sa lahat ng oras, dapat kang umasa sa Akin upang maitakwil yaong luma at likas na disposisyong nananahan sa loob mo. Dapat kaya mo palaging mapanatili ang normal na kalagayan sa harapan Ko, at magtaglay ng isang matatag na disposisyon. Ang iyong pag-iisip ay dapat maging matino at malinaw, at hindi dapat makontrol o mapasunod ng sinumang tao, anumang pangyayari, o bagay. Dapat palagi mong kaya na manahimik sa Aking presensya, at mapanatili ang patuloy na pagkamalapit at pagsasalamuha sa Akin. Dapat kang magpakita ng lakas at tapang, at manindigan sa iyong patotoo sa Akin; bumangon ka at magsalita sa ngalan Ko, at huwag kang matakot sa sasabihin ng ibang tao. Isakatuparan mo lamang ang Aking mga intensyon, at huwag hayaan ang sinuman na kontrolin ka. Ang Aking inihahayag sa iyo ay dapat sundin ayon sa Aking mga intensyon, at hindi maaaring maantala.
2 Ako ang iyong suporta at ang iyong kalasag, at lahat ay nasa Aking mga kamay. Ano, kung gayon, ang iyong ikinatatakot? Hindi ka ba sobrang emosyonal? Dapat mong isantabi ang iyong mga emosyon sa lalong madaling panahon; hindi Ako kumikilos nang ayon sa emosyon, sa halip ay isinasakatuparan Ko ang katuwiran. Manampalataya ka! Manampalataya ka! Ako ang iyong makapangyarihan sa lahat. Marahil ay may kaunti kang kabatiran tungkol dito, nguni’t kailangan mo pa ring maging mapagbantay. Para sa kapakanan ng iglesia, ng Aking kalooban, at ng Aking pamamahala, dapat kang ganap na maging tapat, at ang lahat ng misteryo at kalalabasan ay ipapakita sa iyo nang malinaw. Wala nang pagkaantala pa; ang mga araw ay dumarating sa isang katapusan. Paano ka dapat maghangad na lumago at gumulang sa iyong buhay? Paano mo magagawa ang iyong sarili na kapaki-pakinabang sa Akin nang mas maaga? Paano mo magagawa na maisakatuparan ang Aking kalooban? Ang mga katanungang ito ay nangangailangan ng masusing pag-iisip at mas malalim na pagsasalamuha sa Akin. Umasa ka sa Akin, maniwala sa Akin, huwag kailanman maging pabaya, at makayang gawin ang mga bagay-bagay alinsunod sa Aking patnubay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 9