622 Ang mga Bunga ng Maalab na Paglilingkod sa Diyos
1 Sinumang hindi gumagalang sa Diyos at walang pusong nanginginig sa takot ay malamang lalabag sa mga atas administratibo ng Diyos. Maraming naglilingkod sa Diyos sa lakas ng silakbo ng damdamin nila ngunit walang pagkaunawa sa mga atas administratibo ng Diyos, at lalong walang sapantaha tungkol sa mga kahihinatnan ng mga salita Niya. Kaya naman, sa kanilang mabubuting mga layon, madalas silang nakagagawa ng mga bagay na gumagambala sa pamamahala ng Diyos. Sa mga malalang kalagayan, itinatapon sila, pinagkakaitan ng anumang karagdagang pagkakataong sumunod sa Kanya, at itataboy sa impiyerno, at tapos na ang lahat ng pakikisama sa tahanan ng Diyos. Gumagawa ang mga taong ito sa tahanan ng Diyos sa lakas ng mangmang na mabubuting layon nila, at nagtatapos sa pagpapagalit sa disposisyon ng Diyos.
2 Dinadala ng mga tao sa tahanan ng Diyos ang mga paraan nila ng paglilingkod sa mga opisyal at mga panginoon at sinusubukang gamitin ang mga ito, iniisip nang may kahambugan na madaling magagamit ang mga ito dito. Hindi nila kailanman naipagpalagay na walang disposisyon ng tupa ang Diyos, kundi ng isang leon. Samakatuwid, yaong mga nakikisama sa Diyos sa unang pagkakataon ay walang kakayahang makipagtalastasan sa Kanya, sapagkat hindi tulad ng sa tao ang puso ng Diyos. Pagkatapos mo lamang maunawaan ang maraming mga katotohanan atsaka mo patuloy na makikilala ang Diyos. Hindi binubuo ng mga salita at mga doktrina ang kaalamang ito ngunit magagamit bilang kayamanan na sa pamamagitan nito makapapasok ka sa malapit na pagtitiwala ng Diyos, at bilang katibayang nalulugod Siya sa iyo. Kung kulang ka sa realidad ng kaalaman at hindi naaarmasan ng katotohanan, ang maalab mong paglilingkod ay magdadala lamang sa iyo ng pagkamuhi at pagkapoot ng Diyos. Sa ngayon dapat alam mo na hindi tulad ng pag-aaral ng teolohiya ang paniniwala sa Diyos!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala