588 Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos
I
Mahal ng Diyos ang lahat,
lahat ng tunay na naglalaan ng sarili nila sa Kanya,
napopoot sa lahat ng isinilang sa Kanya,
gayunma’y kinakalaban at ‘di Siya kilala.
‘Di Niya pababayaan ang mga tunay na para sa Kanya.
Sa halip dodoblehin Niya ang mga pagpapala nila.
Lahat ng walang utang-na-loob
ay parurusahang dalawang ulit.
Wala Siyang palalampasing sinuman sa kanila.
Tumindig, makipagtulungan sa Diyos!
Taos-pusong gumugol para sa Kanya,
at magiging patas sa iyo ang Diyos.
Tumindig, makipagtulungan sa Diyos!
Ialay ang sarili mo sa Diyos,
at pagpapalain ka ng Diyos sa lahat ng bagay.
Tumindig!
II
Iaalay ang buo mong pagkatao!
Kung ano ang kakainin o isusuot mo,
ano ang kinabukasan mo,
lahat ay nasa kamay ng Diyos.
Ihahanda ng Diyos ang mabuti para sa iyo.
Ang kasiyahan at pantustos ay walang katapusan.
Dahil sinabi minsan ng Diyos:
"Siya na taos-pusong gumugugol para sa Diyos,
ay pagpapalaing mainam."
Lahat ng pagpapala’y ibibigay sa lahat
ng tunay na gumugugol para sa Diyos.
Mga taong nakamit ng Diyos sa mga huling araw,
‘di mo ba damang mapalad ka?
Tumindig, makipagtulungan sa Diyos!
Taos-pusong gumugol para sa Kanya,
taos-pusong gumugol para sa Kanya,
at magiging patas sa iyo ang Diyos.
Tumindig, makipagtulungan sa Diyos!
Ialay ang sarili mo sa Diyos,
at pagpapalain ka ng Diyos sa lahat ng bagay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 70