226 Ang Mismong Dapat na Hangarin ng mga Mananampalataya sa Diyos

1 Nanampalataya ako sa Panginoon nang maraming taon, at madalas kong ipinapalaganap ang ebanghelyo, ngunit hindi ko pa rin nagawang magpatotoo sa Diyos. Ang kaya ko lamang ay magpatotoo sa pagtamasa ng Kanyang biyaya, ngunit hindi ako makapagsalita ng anumang tunay na kaalaman tungkol sa Kanya. Gayunman, inaasahan ko pa ring madadala ako sa kaharian ng langit kapag bumalik ang Panginoon. Labis na katawa-tawa iyon! Ngayon, sa pagsailalim sa paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo, lubha akong nagsisi at nahiya; hindi ko pala alam kung ano ang makakamit ko sa pananampalataya sa Diyos. Masigasig lamang akong gumawa ngunit hindi ko isinaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Kagaya ako ni Pablo, buong-pusong nagsisikap para magkamit ng mga gantimpala at ng putong. Dahil nananampalataya ako sa Diyos nang napakaraming taon nang hindi nagkakamit ng pagbabago sa aking disposisyon, nakakaramdam ako ng malalim na kahihiyan. Matapos ang lahat, ang punto ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay upang magkamit tayo ng buhay.

2 Ipinakita sa akin ng paghatol ng Diyos ang pagmamahal at pagpapala Niya, at ibinunyag ng mga salita Niya ang satanikong disposisyon ko at iwinasto ang mapagmataas na kalikasan ko; ngayon ko lamang nakikita sa wakas kung gaano kalalim akong nagawang tiwali, at kung gaano katiting ang wangis ng tao na mayroon ako. Kapag ginagampanan ko ang aking tungkulin, gumagawa lamang ako nang lito, nang walang tunay na pagmamahal sa Diyos. Nais kong magpatotoo sa Kanya at suklian ang Kanyang pagmamahal, ngunit pakiramdam ko ay wala akong lakas. Kung hindi pa rin ako magsusumikap na hanapin ang katotohanan, ang aking buhay ay magdadala ng kahihiyan sa Diyos. Naninindigan at determinado ako na hindi ako titigil hanggang makamit ko ang katotohanan. Upang magawa ito, hindi ako susuko kailanman gaano man ako magdusa. Hindi ako susuko kailanman.

Sinundan: 225 Nais Kong Ihandog ang Aking Katapatan sa Diyos

Sumunod: 227 Ang Pagkamit ng Katotohanan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Diyos ay Napakahalaga

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito