225 Nais Kong Ihandog ang Aking Katapatan sa Diyos
1 Nang magpakita ang Diyos upang gumawa sa katawang-tao, dumanas Siya ng matinding panghihiya. Mapagpakumbaba at nakatago, ipinahayag Niya ang katotohanan para lamang sa kaligtasan ng tao. Gayunman, nang marinig ko ang tinig ng Diyos, hindi ko Siya nakilala, at sumunod ako sa mga nakatatanda at pastor sa pagtatatwa at panghuhusga sa Kanyang gawain. Hindi ako pinarusahan ng Diyos dahil sa aking mga paglabag, sa halip pinaraya Niya ang aking pagsuway at kumatok Siya sa aking pinto. Nakadama ako ng matinding kahihiyan sa pagkakita ko ng Kanyang pagkahabag sa akin; tunay ngang hindi ako karapat-dapat na tumanggap ng pagmamahal ng Diyos.
2 Tumatagos sa aking puso ang mga salita ng Diyos gaya ng napakatalim na espada. Nakikita kong tinanggalan ako ng aking pagmamataas ng lahat ng pakiramdam at pagkatao, at gumagamit ako ng mga kuro-kuro at pag-iisip upang kondenahin ang Kanyang pagpapakita at gawain, hinahadlangan ang napakaraming mananampalataya na magkaroon ng pagkakataong maligtas. Tunay ngang makasalanan ako, para labanan at hatulan ko ang Diyos. Talagang dapat lamang Niya akong sumpain; hindi ako karapat-dapat mabuhay sa harapan Niya. Ginising ako ng pagdanas ko sa Kanyang paghatol, at napupuno ng pagkapahiya ang aking puso. Nagpasya akong magsimulang muli, na hanapin ang katotohanan at bigyan ng kaluguran ang Diyos. Napakabait ng Diyos; tinutunaw nito ang katigasan mula sa aking puso. Nais kong tapat na gampanan ang aking tungkulin, at hilingin lamang na mabigyan ko ng kaaliwan ang Diyos. Gaano man katindi ang pag-uusig at kagipitan na maaari kong harapin, magiging tapat ako hanggang sa huli. Nagpasya akong mabigyan ang Diyos ng umaalingawngaw na patotoo at bigyan Siya ng kaluwalhatian.