4. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Tunay na Daan sa mga Maling Daan, at ng Tunay na Iglesia sa mga Maling Iglesia

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang pinakasaligang prinsipyo sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu sa daang ito, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag o hindi ng katotohanan, sino ang pinatototohanan, at ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at huwad na daan ay nangangailangan ng ilang aspeto ng batayang kaalaman, na ang pinakasaligan dito ay ang pag-alam kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang diwa ng paniniwala ng mga tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala nila sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugang ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at ng katawang-tao, ngunit dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at siyang Salita na naging tao, sa gayon ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na diwa pa rin ng Diyos. Kaya’t sa pagkilala kung ito ay ang tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu, at pagkaraan ay dapat mong tingnan kung mayroon o walang katotohanan sa daang ito. Ang katotohanan ang disposisyon sa buhay ng karaniwang pagkatao, na ang ibig sabihin ay yaong hiniling sa tao noong lalangin siya ng Diyos sa pasimula, at ito ay ang sumusunod, ang karaniwang pagkatao sa kabuuan nito (kabilang ang katinuan ng tao, panloob na pananaw, karunungan, at ang batayang kaalaman ng pagiging tao). Ibig sabihin, kailangan mong tingnan kung madadala ba o hindi ng landas na ito ang tao sa buhay ng karaniwang pagkatao, kung ang katotohanan na sinasalita ay kailangan o hindi ayon sa realidad ng karaniwang pagkatao, kung ang katotohanang ito ay praktikal at tunay o hindi, at kung ito ay sadyang napapanahon o hindi. Kung may katotohanan, makakaya nitong pangunahan ang mga tao sa karaniwan at tunay na mga karanasan; higit pa rito, nagiging lalong higit na karaniwan ang mga tao, lubos na nagiging ganap ang kanilang diwa, nagiging lalong higit na maayos ang kanilang buhay sa laman at ang espirituwal na buhay, at nagiging lalong higit na normal ang kanilang mga emosyon. Ito ang ikalawang prinsipyo. May isa pang prinsipyo, at iyan ay kung nadaragdagan ba o hindi ang pagkakilala ng tao sa Diyos, at kung ang pagdanas ng ganoong gawain at katotohanan ay may kakayahan o wala na pumukaw ng pag-ibig sa kanilang loob para sa Diyos, at higit silang mapalapit sa Diyos. Sa ganito masusukat kung ito ang tunay na daan o hindi. Ang pinakasaligan ay kung ang daang ito ay makatotohanan imbes na supernatural, at kung ito ay nakapagkakaloob sa buhay ng tao o hindi. Kung ito ay umaayon sa mga prinsipyong nabanggit, maaaring mabuo ang pagpapasya na ang daang ito ang tunay na daan. Sinasabi Ko ang mga ito hindi upang tanggapin ninyo ang ibang daan sa inyong mga daranasin sa hinaharap, o bilang hula na magkakaroon ng gawain ng isa pang bagong kapanahunan sa hinaharap. Sinasabi Ko ang mga ito upang matiyak ninyo na ang daan ng kasalukuyan ang tunay na daan, upang hindi kayo maging bahagya lamang na nakakatiyak sa inyong paniniwala sa gawain ng kasalukuyan at hindi makayang makamit ang kabatiran tungo rito. Maraming iba pa, na sa kabila ng pagiging tiyak, ay sumusunod pa rin nang may pagkalito; ang gayong katiyakan ay walang kaakibat na prinsipyo, at ang mga ganoong tao ay dapat maalis sa malaon o madali. Kahit yaong mga talagang masigasig sa kanilang pagsunod ay tatlong bahaging nakatitiyak at limang bahaging di-nakatitiyak, na nagpapakitang wala silang saligan. Dahil napakahina ng inyong kakayahan at napakababaw ng inyong saligan, wala kayong pagkaunawa sa pag-iiba-iba. Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya gumagawa ng gawaing hindi makatotohanan, hindi Siya nag-aatas ng labis-labis sa tao, at hindi Siya gumagawa ng higit sa pang-unawa ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay napapaloob sa saklaw ng karaniwang pang-unawa ng tao, at hindi lumalampas sa pang-unawa ng karaniwang pagkatao, at ang Kanyang gawain ay naaayon sa mga karaniwang hinihingi sa tao. Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ang mga tao ay nagiging lalong higit na karaniwan, at ang kanilang pagkatao ay nagiging lalong higit na karaniwan. Nagkakaroon ng ibayong kaalaman ang mga tao tungkol sa kanilang tiwaling disposisyong malasatanas, at ng diwa ng tao, at nagkakaroon din sila ng higit na pag-asam sa katotohanan. Ang ibig lang sabihin, lumalago nang lumalago ang buhay ng tao, at nakakayanan ng tiwaling disposisyon ng tao ang padagdag nang padagdag na pagbabago—na lahat ay siyang kahulugan ng pagiging buhay ng tao ng Diyos. Kung ang isang daan ay walang kakayahang ihayag ang gayong mga bagay na siyang diwa ng tao, walang kakayahang baguhin ang disposisyon ng tao, at higit pa rito, walang kakayahang dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos o bigyan sila ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, at nagiging sanhi pa upang ang kanilang pagkatao ay higit pang maging mababa at ang kanilang katinuan ay higit pang maging hindi karaniwan, ang daang ito, kung gayon, ay hindi ang tunay na daan, at maaaring ito ay gawain ng masamang espiritu, o ang lumang daan. Sa madaling salita, hindi ito ang gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos

Sa bawat yugto ng gawain ng Diyos mayroon ding katumbas na mga kinakailangan sa tao. Lahat niyaong nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nagtataglay ng presensiya at disiplina ng Banal na Espiritu, at yaong mga wala sa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nasa ilalim ng pamumuno ni Satanas, at walang anumang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos, at nakikipagtulungan sa bagong gawain ng Diyos. Kung yaong mga nasa loob ng agos na ito ay walang kakayahang makipagtulungan, at walang kakayahang isagawa ang katotohanan na kinakailangan ng Diyos sa panahong ito, kung gayon sila ay didisiplinahin, at ang pinakamalala ay tatalikuran ng Banal na Espiritu. Yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ay mamumuhay sa loob ng agos ng Banal na Espiritu, at tatanggapin nila ang pangangalaga at pag-iingat ng Banal na Espiritu. Yaong mga handang isagawa ang katotohanan ay nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at yaong mga hindi handa na isagawa ang katotohanan ay dinidisiplina ng Banal na Espiritu, at maaari pang maparusahan. Hindi alintana kung anong uri ng tao sila, basta’t sila ay nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu, pananagutan ng Diyos ang lahat ng tumatanggap sa bagong gawain Niya para sa kapakanan ng Kanyang pangalan. Ang mga lumuluwalhati sa Kanyang pangalan at handang isagawa ang mga salita Niya ay makakatanggap ng Kanyang mga pagpapala; ang mga hindi sumusunod sa Kanya at hindi nagsasagawa ng Kanyang mga salita ay makakatanggap ng Kanyang kaparusahan. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay ang mga tumatanggap sa bagong gawain, at yamang natanggap na nila ang bagong gawain, sila ay nararapat na angkop na makipagtulungan sa Diyos, at hindi dapat kumilos na parang mga suwail na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin. Ito ang tanging kinakailangan ng Diyos sa tao. Hindi ganoon para sa mga taong hindi tumatanggap sa bagong gawain: Sila ay nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu, at ang disiplina at paninisi ng Banal na Espiritu ay hindi para sa kanila. Buong araw, ang mga taong ito ay namumuhay sa loob ng laman, sila ay namumuhay sa loob ng kanilang mga isipan, at ang lahat ng ginagawa nila ay ayon sa doktrinang bunga ng paghihimay at pananaliksik ng kanilang sariling mga utak. Hindi ito ang hinihingi ng bagong gawain ng Banal na Espiritu, at lalong hindi ito pakikipagtulungan sa Diyos. Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay walang presensiya ng Diyos, at, higit sa lahat, salat sa mga pagpapala at pag-iingat ng Diyos. Ang karamihan sa kanilang mga salita at mga pagkilos ay nakaayon sa mga nakalipas na mga kinakailangan ng gawain ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay doktrina, hindi katotohanan. Ang gayong doktrina at alituntunin ay sapat na upang patunayan na ang pagtitipon ng mga taong ito ay walang iba kundi relihiyon; hindi sila ang mga hinirang, o ang mga pinag-uukulan ng gawain ng Diyos. Ang pagtitipon nilang lahat na magkakasama ay matatawag lamang na maringal na kongreso ng relihiyon, at hindi matatawag na iglesia. Ito ay isang katunayan na hindi mababago. Wala sa kanila ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; ang kanilang ginagawa ay tila samyo-ng-relihiyon, ang kanilang isinasabuhay ay tila sagana sa relihiyon; hindi sila nagtataglay ng presensiya at gawain ng Banal na Espiritu, lalo nang hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng disiplina o kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Lahat ng taong ito ay mga walang-buhay na bangkay, at mga uod na walang pagka-espirituwal. Wala silang kaalaman sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, walang kaalaman sa lahat ng masasamang gawa ng tao, lalong wala silang kaalaman sa lahat ng gawain ng Diyos at kasalukuyang kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang alam, mabababang tao, at sila ay mga hamak na hindi nararapat tawaging mananampalataya! Wala sa kanilang mga ginagawa ang may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, lalong hindi nito masisira ang mga plano ng Diyos. Ang mga salita at pagkilos nila ay nakasusuklam, nakakaawa, at talagang hindi karapat-dapat banggitin. Wala sa anumang ginawa niyaong mga wala sa agos ng Banal na Espiritu ang may anumang kinalaman sa bagong gawain ng Banal na Espiritu. Dahil dito, kahit na ano ang kanilang gawin, sila ay walang disiplina ng Banal na Espiritu, at, higit sa lahat, walang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Dahil lahat sila ay mga taong walang pag-ibig para sa katotohanan, at sila ay kinamuhian at natanggihan na ng Banal na Espiritu. Sila ay tinatawag na makasalanan dahil sila ay lumalakad sa laman at ginagawa kung ano ang kanilang nais sa ilalim ng karatula ng Diyos. Habang gumagawa ang Diyos, sila ay sadyang palaban sa Kanya, at tumatakbo sa kasalungat na patutunguhan sa Kanya. Ang hindi pakikipagtulungan ng tao sa Diyos ay sukdulang mapanghimagsik sa ganang sarili, kaya’t hindi ba ang mga taong sadyang sumasalungat sa Diyos ay partikular na tinatanggap nila ang nararapat na kaparusahan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Kung ang buong relihiyosong komunidad ay hindi kontra at sumalungat dito, sa gayon hindi ito magiging tunay na daan. Tandaan: Ang tunay na daan ay kinakailangang salungatin ng karamihang tao, at maging ng mundo. Noong ang Panginoong Jesus ay unang dumating para gumawa at mangaral, hindi ba Siya sinalungat ng buong Judaismo? Sa bawat panahon na nagsisimula ng bagong gawain ang Diyos, ang tiwaling sangkatauhan ay mayroong napakalaking problema sa pagtanggap nito, dahil ang gawain ng Diyos ay sumasalungat at pinapabulaanan ang mga pagkakaintindi ng mga tao; kulang ang mga tao ng kapasidad para makaunawa, at walang kapasidad na pasukin ang espirituwal na daigdig, at kung hindi dahil sa gawain ng Banal na Espiritu, hindi nila matatanggap ang tunay na daan. Kung ito’y pinaniniwalaan na gawain ng Diyos, ngunit hindi ito sinalungat ng relihiyosong komunidad, at kulang sa pagsasalungat at kalupitan ng mundo, sa gayon pinapatunayan nito na ang gawaing ito ng Diyos ay mali. Bakit walang kapasidad ang sangkatauhan na tanggapin ang katotohanan? Una, ang tao ay sa laman, siya ay sa pisikal na diwa. Ang mga pisikal na bagay ay hindi makakapasok sa espirituwal na daigdig. Ano itong ibig sabihin ng “hindi makapasok sa espirituwal na daigdig”? Ang ibig sabihin nito ay ang pagiging walang kakayanang makita ang mga espiritu, ang mga aktibidad ng mga espiritu at ang espirituwal na daigdig, ang pagiging hindi makita ang ginagawa at sinasabi ng Diyos. Mabubulag ang mga tao tungkol sa mga nangyayari sa espirituwal na mundo. Kung pipikit ka sa pisikal na mundo, wala kang makikita. Kapag binuksan mo ang mga ito, ano ang nakikita mo? Ang pisikal na mundo. Nakikita mo ba kung anong espiritu ang gumagawa ng mga bagay sa mga tao? Maaari mo bang makita kung ano ang ginagawa at sinasabi ng Espiritu ng Diyos? Hindi mo kaya. Minsan maaari mong marinig ang Kanyang tinig, at nababasa ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa libro, ngunit hindi mo pa rin alam kung paano o kailan sinambit ng Diyos ang mga salitang ito. Maaari mong marinig ang Kanyang tinig, ngunit hindi mo alam kung saan ito nagmumula; nakikita mo ang mga salita ng Diyos na nakaimprenta sa pahina, ngunit hindi mo alam kung ano ang kanilang ibig sabihin. Hindi kayang pasukin ng mga tao ang espirituwal na daigdig, o maintindihan ang pinagmulan ng mga salita ng Diyos, at kaya kinakailangan nila ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at ang gawain ng Banal na Espiritu, para makamit ang mga epekto. Pangalawa, masyado nang malalim na natiwali ang sangkatauhan, at ang kanyang kalooban ay napuno na ng hindi mabilang na kamandag ni Satanas at hindi mabilang na kaalaman; kung sinusuri niya ang lahat ng bagay gamit ang iba’t-ibang malasatanas na pilosopiya at kaalaman, sa gayon hindi niya kailanman maitatatag kung ano ang katotohanan. Kapag wala ang pagliliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, walang kapasidad ang tao para maintindihan ang katotohanan. Ang tiwaling sangkatauhan sa pamamagitan ng likas na taglay ay walang kapasidad sa pagpasok sa espirituwal na daigdig. Napuno siya ng malasatanas na pilosopiya at kaalaman, at hindi niya kayang matukoy ang katotohanan. At kaya ang tunay na daan ay hindi maiiwasang mapasailalim sa pag-uusig at pagtanggi ng tao. Bakit madali para sa mga tao na tanggapin ang kaalaman at mga pilosopiya ni Satanas? Una, ayon ito sa kanilang mga pagkakaintindi at sa mga interes ng kanilang laman, at ito’y kapaki-pakinabang sa kanilang laman. Sinasabi nila sa kanilang mga sarili, “Ang pagtanggap ng kaalaman tulad nito ay nakakatulong sa akin: Magdadala ito sa akin ng promosyon, gagawin akong matagumpay nito, at hahayaan akong makamit ang mga bagay. Kapag may kaalaman na tulad nito, titingalain ako ng mga tao.” Tignan kung papaano iyon na napapakinabangan ng mga tao ay naayon sa kanilang mga pagkakaintindi. … Sa pagiging tiwali hanggang sa puntong ito, at hindi kayang pasukin ang espirituwal na daigdig, maaari lang salungatin ng mga tao ang Diyos, at kaya ang pagdating ng gawain ng Diyos ay nakatagpo ang pagtanggi, pagsalungat, at pagkondena ng tao. Hindi ba ito ang inaasahan? Kung hindi nakatagpo ng pagdating ng gawain ng Diyos ang pagkondena at pagsalungat ng mundo at sangkatauhan, sa gayon papatunayan nito na hindi ito ang katotohanan. Kung ang lahat ng sinambit ng Diyos ay naayon sa mga pagkakaintindi ng mga tao, kokondenahin ba nila ito? Sasalungatin ba nila ito? Tiyak na hindi nila gagawin.

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Ang iglesia ay binubuo ng mga yaong tunay na itinadhana at pinili ng Diyos—ito’y binubuo ng mga nagmamahal sa katotohanan, naghahangad ng katotohanan, at nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu. Tanging kapag ang mga taong ito ay nagsama-samang kumain at uminom ng salita ng Diyos, itinataguyod ang buhay ng iglesia, nararanasan ang gawain ng Diyos, at isinasagawa ang kanilang tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos ay maaari itong maging isang iglesia. Kung sinasabi ng isang nanggugulong tao na ito’y tunay na naniniwala sa Diyos, ngunit hindi nagmamahal o hinahangad ang katotohanan, at walang gawain ng Banal na Espiritu, at nagsasagawa ng mga relihiyosong seremonya, at nagdadasal, at nagbabasa ng mga salita ng Diyos, sa gayon ito’y hindi isang iglesia. Lalo na, ang mga iglesia na walang gawain ng Banal ng Espiritu ay hindi mga iglesia; sila ay mga relihiyosong lugar lamang at mga taong nagsasagawa ng mga relihiyosong seremonya. Hindi sila mga tao na tunay na sumusunod sa Diyos at nararanasan ang gawain ng Diyos. …

…………

… Ang iglesia ay pagtitipon ng mga tao na tunay na naniniwala sa Diyos at hinahangad ang katotohanan, at tiyak na hindi kasama ang masama dito—hindi sila nabibilang sa iglesia. Kapag ang isang grupo ng mga tao na hindi hinahangad ang katotohanan at hindi gumagawa ng anumang bagay para isagawa ang katotohanan, ito ba’y magiging iglesia? Magiging ano ito? Ito’y magiging relihiyosong lugar, o magugulong tao. Ang iglesia ay kinakailangang binubuo ng mga tao na tunay na naniniwala sa Diyos at hinahangad ang katotohanan, na kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, at sinasamba ang Diyos, ginagampanan ang kanilang tungkulin, at nararanasan ang gawain ng Diyos at mayroong gawain ng Banal na Espiritu. Tanging ito ay isang iglesia. Kaya, kapag sinusuri mo ang isang iglesia, kailangan mo munang tignan kung anong uri ng mga tao mayroon ito. Pangalawa, kailangan mong tignan kung mayroon ba o wala silang gawain ng Banal na Espiritu; kung ang kanilang pagtitipon ay walang gawain ng Banal na Espiritu, hindi ito isang iglesia, at kung ito ay hindi isang pagtitipon ng mga naghahangad ng katotohanan, ito’y hindi isang iglesia. Kung walang sinuman sa iglesia ang tunay na naghahangad ng katotohanan, at talagang walang gawain ng Banal na Espiritu, kung mayroong isang tao dito na handang hangarin ang katotohanan, at sila’y nanatili sa naturang iglesia, maaari bang mailigtas ang taong iyon? Hindi sila maaaring maligtas, at dapat nilang iwan ang magugulong taong iyon at maghanap sila agad ng iglesia. Kung, sa loob ng iglesia, mayroong tatlo o limang tao na naghahangad ng katotohanan, at 30 o 50 magugulong tao, iyong tatlo o limang tao na tunay na naniniwala sa Diyos at hinahangad ang katotohanan ay dapat magsama-sama; kung sila’y magsasama-sama, ang kanilang pagtitipon ay isa pa ring iglesia, isang iglesia na may pinakakaunting miyembro, ngunit dalisay.

—Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Ang mga lider at pastor ng mundo ng relihiyon ay hindi nakaranas ng gawa ng Diyos o ginawang perpekto at pinatatag ng Banal na Espiritu, ngunit sa halip ay naging mga lider at pastor sa mga relihiyosong komunidad pagkatapos magtapos mula sa seminaryo at mabigyan ng diploma. Wala silang gawain at kumpirmasyon ng Banal na Espiritu, wala sila ni katiting na tunay na kaalaman sa Diyos, at ang kanilang mga bibig ay nakakapagsalita lang ng mga teolohikal na kaalaman at mga teorya. Sa katunayan ay wala silang naranasang anumang bagay. Ang mga naturang tao ay hindi talaga kwalipikado na magamit ng Diyos; paano nila maaakay ang tao sa harapan ng Diyos? Arogante nilang itinataas ang pagtatapos mula sa seminaryo bilang patunay ng kanilang sariling titulo, ginagawa nila ang lahat ng bagay na makakaya nila para ipagyabang ang kanilang kaalaman sa Biblia, sila ay lubhang arogante—at dahil dito, sila ay kinondena ng Diyos, at kinamuhian ng Diyos, at nawala ang gawain ng Banal na Espiritu. Dahil dito, walang duda. Kung bakit ang relihiyosong komunidad ay naging mahigpit na kaaway ni Cristo ay isang malubhang kaisip-isip na katanungan. Anong ipinapakita nito na, sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinako ng Judaismo si Jesucristo sa krus? Sa Kapanahunan ng Kaharian ng mga huling araw, ang relihiyosong komunidad ay nagkaisa at itinuon ang lahat ng pagsisikap nito sa pagsalungat at paghatol sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, itinatanggi nito at itinatakwil si Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw, gumawa ito ng iba’t-ibang bulong-bulungan, at nang-atake, nanirang-puri, at nanlapastangan laban sa Diyos na nagkatawang-tao at sa iglesia ng Diyos, matagal na nitong ipinako ang nagbalik na Jesus, ang Cristo ng mga huling araw, sa krus. Pinapatunayan nito na ang relihiyosong komunidad ay matagal nang naging puwersa ni Satanas na sumasalungat at nagrerebelde laban sa Diyos. Ang relihiyosong komunidad ay hindi pinagharian ng Diyos, ni hindi ito pinagharian ng katotohanan; ito’y lubos na pinagharian ng mga tiwaling tao, at saka, ng mga anticristo.

Kapag ang mga tao ay naniniwala sa Diyos sa isang relihiyosong lugar na tulad nito—isang lugar kung saan nabibilang kay Satanas at pinaghaharian at kinokontrol ng mga demonyo at mga anticristo—kaya lang nilang intindihin ang mga relihiyosong doktrina, kaya lang nilang sumunod sa relihiyosong seremonya at regulasyon, at hindi nila kailanman maiintindihan ang katotohanan, hindi kailanman mararanasan ang gawain ng Diyos, at talagang walang kakayahan na maligtas. Ito ay ganap. Dahil walang gawain ng Banal na Espiritu sa mga relihiyosong lugar, at ang mga lugar na iyon ay mga nakakamuhi sa Diyos, kung saan nakakasuklam sa Diyos, at kinondena at isinumpa Niya. Hindi kailanman kinilala ng Diyos ang relihiyon, ni hindi Niya ito pinuri, at simula sa panahon ni Jesus, ang relihiyosong komunidad ay kinondena na ng Diyos. Kaya, kapag naniniwala ka sa Diyos kailangan mong maghanap ng mga lugar na mayroong gawain ng Banal na Espiritu; tanging ang mga ito ay ang tunay na mga iglesia, at tanging sa mga tunay na iglesia ka makakarinig ng tinig ng Diyos, at matutuklasan ang mga yapak ng gawain ng Diyos. Sa mga naturang paraan nahahanap ang Diyos.

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Sinundan: 3. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Totoong Cristo sa mga Huwad na Cristo

Sumunod: 5. Ang Kaibhan sa Pagitan ng Pagsunod sa Diyos at ng Pagsunod sa mga Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

I-type ang hinahanap mong term sa search box
Mga Nilalaman
Mga Setting
Mga Aklat
Hanapin
mga Video