3. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Totoong Cristo sa mga Huwad na Cristo

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si Cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, ngunit sinasagot at pinagpapasyahan ito ng Diyos Mismo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

Bagama’t nagagawa ni Cristo sa lupa na gumawa sa ngalan ng Diyos Mismo, hindi Siya dumarating na may layuning ipakita sa lahat ng mga tao ang larawan Niya sa katawang-tao. Hindi Siya dumarating upang makita Siya ng lahat ng mga tao; dumarating Siya upang pahintulutan ang tao na maakay ng kamay Niya, at sa gayon ay makapasok ang tao sa bagong kapanahunan. Ang katungkulan ng katawang-tao ni Cristo ay para sa gawain ng Diyos Mismo, iyon ay para sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi upang bigyang kakayahan ang tao na lubusang maunawaan ang diwa ng katawang-tao Niya. Paano man Siya gumagawa, wala sa ginagawa Niya ang lumalampas sa matatamo ng katawang-tao. Paano man Siya gumagawa, ginagawa Niya ito sa katawang-tao na may normal na pagkatao, at hindi lubos na ibinubunyag sa tao ang totoong mukha ng Diyos. Dagdag dito, ang gawain Niya sa katawang-tao ay hindi kailanman kahima-himala o hindi matataya tulad ng maiisip ng tao. Bagama’t kinakatawan ni Cristo ang Diyos Mismo sa katawang-tao at isinasakatuparan mismo ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya ikinakaila ang pag-iral ng Diyos sa langit, ni mainit Niyang ipinahahayag ang sarili Niyang mga gawa. Sa halip, nananatili Siyang nakakubli, mapagpakumbaba, sa loob ng Kanyang laman. Bukod kay Cristo, yaong mga huwad na umaangking sila si Cristo ay hindi nagtataglay ng Kanyang mga katangian. Kapag magkatabing inihahambing sa mapagmataas at sariling pagdadakila ng disposisyon ng mga huwad na Cristo, nagiging malinaw kung anong uring katawang-tao ang tunay na Cristo. Lalong huwad sila, lalong ipinapagpaparangya ng mga ganitong huwad na Cristo ang mga sarili nila, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan upang linlangin ang tao. Walang mga katangian ng Diyos ang mga huwad na Cristo; hindi nadudungisan si Cristo ng kahit anong sangkap na pagmamay-ari ng mga huwad na Cristo. Nagkakatawang-tao lamang ang Diyos upang buuin ang mga gawain ng katawang-tao, hindi lamang upang pahintulutang makita Siya ng mga tao. Sa halip, hinahayaan Niyang ang gawain Niya ang magpatunay ng Kanyang pagkakakilanlan, at hinahayaang yaong ibinubunyag Niya na magpatunay sa Kanyang diwa. Hindi walang batayan ang diwa Niya; hindi kinamkam ng Kanyang kamay ang pagkakakilanlan Niya; matutukoy ito sa pamamagitan ng Kanyang gawain at Kanyang diwa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga haka-haka ng tao; halimbawa, ipinropesiya sa Lumang Tipan ang pagparito ng isang Mesiyas, at ang resulta ng propesiyang ito ay ang pagparito ni Jesus. Dahil nangyari na ito, magiging mali na muling may pumaritong isa pang Mesiyas. Pumarito nang minsan si Jesus, at magiging mali kung paparitong muli si Jesus sa pagkakataong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at bawat pangalan ay may paglalarawan ng kapanahunang ito. Sa mga haka-haka ng tao, kailangang laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, kailangang laging magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at kailangang laging maging katulad lamang ni Jesus. Subalit sa pagkakataong ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng mga maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa iyo ang tungkol dito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon

May ilang sinasaniban ng masasamang espiritu at malakas na sumisigaw ng, “Ako ang Diyos!” Ngunit sa katapusan, sila ay nabubunyag dahil sila ay mali sa kanilang kinakatawan. Kinakatawan nila si Satanas, at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay isang nilalang pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. Kailanman ay hindi Ako sumisigaw ng, “Ako ang Diyos, Ako ang sinisintang Anak ng Diyos!” Ngunit ang gawaing ginagawa Ko ay gawain ng Diyos. Kailangan Ko bang sumigaw? Hindi kailangan ang pagpaparangal. Ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain at hindi kailangan ng tao na bigyan Siya ng isang katayuan o kagalang-galang na titulo: kinakatawan na ng Kanyang gawain ang Kanyang pagkakakilanlan at katayuan. Bago ang Kanyang bautismo, hindi ba’t si Jesus ang Diyos Mismo? Hindi ba’t Siya ang nagkatawang-taong Diyos? Tiyak na hindi maaaring sabihin na naging tanging Anak ng Diyos lamang Siya pagkatapos Niyang napatotohanan? Wala bang tao na may pangalang Jesus sa matagal na panahon bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain? Hindi mo kayang maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo kayang ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Ang karunungan, pagiging kamangha-mangha, at pagiging di-maarok ng Diyos, at ang buong disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao—lahat ng ito ay higit sa iyong kakayahang magpahayag. Kaya walang saysay na angkinin mo na ikaw ang Diyos; magkakaroon ka lamang ng pangalan ngunit hindi ng diwa. Dumating na ang Diyos Mismo, ngunit walang nakakakilala sa Kanya, gayunman patuloy Siya sa Kanyang gawain at ginagawa ang gayon sa pagkatawan sa Espiritu. Tawagin mo man Siyang tao o Diyos, ang Panginoon o Cristo, o tawagin Siyang kapatid na babae, hindi ito mahalaga. Ngunit ang gawaing ginagawa Niya ay yaong sa Espiritu at kumakatawan sa gawain ng Diyos Mismo. Wala Siyang pakialam sa pangalan na itinatawag sa Kanya ng tao. Puwede bang matukoy ng pangalang iyon ang Kanyang gawain? Anuman ang itawag mo sa Kanya, sa pananaw ng Diyos, Siya ang nagkatawang-taong laman ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at sinasang-ayunan ng Espiritu. Kung hindi mo kayang gumawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, o dalhin ang dati sa katapusan, o maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain, hindi ka maaaring tawaging Diyos!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Kung may isang tao na nililito ang mga piniling tao ng Diyos at sinasabing siya si Cristo, ang katawan ng Diyos na naging tao, dapat nating tingnan ang kanyang diwa at pagpapahayag, ang kanyang gawain at mga salita, at ang kanyang ipinapakitang disposisyon, para matiyak natin kung siya nga si Cristo. Para makita ang kanyang diwa mula sa mga pangunahing aspetong ito, matitiyak natin na siya nga ang Diyos na nagkatawang-tao. Una, mula sa aspeto ng gawain, dapat nating makita na kung ang Kanyang gawain ay gawain ng Diyos, maipapahayag Niya ang salita ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Kung ito ay gawain ng tao, makakapagsalita lamang siya tungkol sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang tao, karanasan at pag-unawa ng tao. Hindi siya makapagsasalita ng tungkol sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, sa gawain, kahilingan, at disposisyon ng Diyos, lalo pa ang tungkol sa plano ng pamamahala ng Diyos at misteryo ng Diyos. Ikalawa, mula sa aspeto ng salita, mayroong malaking pagkakaiba ang salita ng Diyos at salita ng tao. Kinakatawan ng salita ng Diyos ang lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at ang salita ng tao ay kinakatawan ang lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang tao. Kinakatawan ng salita ng Diyos ang disposisyon ng Diyos. Kinakatawan ng salita ng tao ang pagkatao ng tao. Ang salita ng Diyos ay ang katotohanan. Ang salita ng tao ay hindi ang katotohanan. Hindi ito nabibilang sa katotohanan. Ikatlo, mula sa aspeto ng disposisyon, kayang ipahayag ng gawain ng Diyos ang disposisyon ng Diyos. Ang gawain ng tao ay hindi kayang ipahayag ang disposisyon ng Diyos; kaya lamang nitong ipahayag ang pagkatao ng tao. Ano ang mayroon sa pagkatao ng tao? Mayroon ba itong anumang katuwiran, kamahalan, bangis o ang katotohanan? Wala sa pagkatao ng tao ang anuman sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kaya ang gawain ng tao ay hindi kinapapalooban ng kahit katiting na disposisyon ng Diyos. Napakadaling husgahan mula sa mga aspetong ito kung salita ba ito ng Diyos o salita ng tao, gawain ba ng Diyos o gawain ng tao. Kung hindi masasabi ng tao ang kaibahan mula sa mga aspetong ito, madali para sa kanya na malito ng mga huwad na Cristo at mga anticristo. Kung masasabi mo ang pagkakaiba mula sa tatlong aspetong ito, matutukoy mo kung sino ang Diyos na nagkatawang-tao at kung sino ang hindi. Ang gawain, ang mga salita at ang disposisyon—ito ang pinakatumpak na paraan para masabi ang pagkakaiba mula sa tatlong aspetong ito, at hindi manghusga sa pamamagitan ng panlabas na mga anyo.

—Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Sinundan: 2. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Gawain ng Banal na Espiritu sa Gawain ng Masasamang Espiritu

Sumunod: 4. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Tunay na Daan sa mga Maling Daan, at ng Tunay na Iglesia sa mga Maling Iglesia

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito