Tanong 3: Ano ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propetang katulad nina Isaias, Ezekiel, at Daniel mula sa Kapanahunan ng Kautusan, sa mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman?

Sagot: Dahil sa pagkakaiba ng diwa ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa ng mga propeta, dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng Diyos samantalang ginampanan lang ng mga propeta ang tungkulin ng tao. Kaya likas na magkaiba ang kanilang gawain. Tingnan natin kung paano ito sinabi ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay sumambit ng mga propesiya, at gayundin, kaya iyon ni Jesus. Bakit ganito? Ang pagkakaiba rito ay batay sa likas na katangian ng gawain. Para mahiwatigan ang bagay na ito, huwag mong isaalang-alang ang likas na katangian ng laman, ni hindi mo dapat isaalang-alang ang kalaliman o kababawan ng kanilang mga salita. Kailangan mo palaging isaalang-alang muna ang kanilang gawain at ang mga epekto ng kanilang gawain sa tao. Ang mga propesiyang sinambit ng mga propeta sa panahong iyon ay hindi tinustusan ang buhay ng tao, at ang mga inspirasyong tinanggap ng mga katulad nina Isaias at Daniel ay mga propesiya lamang, at hindi ang daan ng buhay. Kung hindi dahil sa tuwirang paghahayag ni Jehova, walang sinumang makagagawa ng gawaing iyon, na hindi posible para sa mga mortal. Sumambit din si Jesus ng maraming salita, ngunit ang gayong mga salita ay ang daan ng buhay kung saan makasusumpong ang tao ng isang landas ng pagsasagawa. Ibig sabihin, una, maaari Niyang tustusan ang buhay ng tao, sapagkat si Jesus ang buhay; pangalawa, maaari Niyang baligtarin ang mga paglihis ng tao; pangatlo, ang Kanyang gawain ay maaaring sumunod sa gawain ni Jehova para ipagpatuloy ang kapanahunan; pang-apat, maaari Niyang maintindihan ang mga pangangailangan sa kalooban ng tao at maunawaan kung ano ang kulang sa tao; panlima, maaari Niyang pasimulan ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang dati. Kaya nga Siya tinatawag na Diyos at Cristo; hindi lamang Siya iba kay Isaias kundi maging sa lahat ng iba pang mga propeta(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, natatanto natin na ginagampanan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sariling ministeryo at ginagawa ang gawain sa ilalim ng pamamahala ng Diyos na kumakatawan sa gawain ng isang panahon, at ang salitang ipinapahayag Niya ay para sa buong sangkatauhan. Gayunman, mga propeta ang ginamit ng Diyos para gawin ang tungkulin ng tao nang gumawa Siya sa Kapanahunan ng Kautusan. Inihatid lang ng mga propeta ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos na si Jehova sa paglalahad ng ilang propesiya, pagbibigay ng ilang babala sa mga tao o paggawa ng ilang manaka-nakang gawain. Kung matutukoy natin ang kaibhan ng mga tungkulin ng mga propeta sa tungkulin ng ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao, makikita natin ang kaibhan ng salita ng Diyos na ipinarating ng mga propeta sa salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao. Alam nating lahat na ang mga propeta ay mga taong ibinangon sa iba’t ibang panahon ng Kapanahunan ng Kautusan para ihatid ang salita ng Diyos. Ang pangunahing gawain ng mga propeta ay ilahad ang mga propesiya samantalang inihahatid ang mga ipinagagawa, utos, gayundin ang mga payo, paalala, babala, at salita ng kaparusahan sa mga Israelita o sa iba. Halimbawa, nang matuklasan ng Diyos ang mga kasamaang ginawa ng mga taga-Nineve, isinugo Niya si Jonas sa Nineve para ipahayag na, “Apatnapung araw pa at ang Ninive ay mawawasak(Jonas 3:4). Makikita na inihatid lang ng mga propeta ang salita ni Jehova sa iba’t ibang panahon. Hindi nila ginawa ang gawain ng anumang partikular na kapanahunan. Ang mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta ay parang mga propesiya, payo, paalala, babala at iba pa, hindi pagpapahayag ng lahat ng katotohanan para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Tungkol naman sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, pumaparito Siya para gawin ang isang yugto ng gawain at nagsasalita sa buong sangkatauhan sa katauhan ng Diyos, nagpapahayag ng Kanyang plano sa pamamahala para sa kaligtasan ng sangkatauhan, Kanyang disposisyon, kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, ang Kanyang mga ipinagagawa sa tao at ang katotohanan na kailangang taglayin ng sangkatauhan. Ang mga salitang ito ang gawaing magbubukas ng isang bagong kapanahunan at magwawakas ng dating kapanahunan, at para iyon sa buong sangkatauhan. Kumakatawan iyon sa gawain ng Diyos sa kapanahunang ito at ang buong katotohanan na kailangang maranasan at pasukin ng mga piling tao ng Diyos sa kapanahunang ito. Ang mga salitang ito ay maaaring ikabuhay ng tao, pagsisihin ang tao, baguhin ang disposisyon ng tao, iligtas at linisin ang tao at gawin siyang perpekto.

Kaya bakit nga ba naililigtas at nagagawang perpekto ang tao ng katotohanang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao? Dahil ang Diyos na nagkaawang-tao ay may diwa ng Diyos. Siya ang Espiritu ng Diyos sa laman, ibig sabihin, ang diwa ng buhay ng Diyos, kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano ang Diyos, ang awtoridad at karunungan ng Diyos, lahat ng taglay ng Espiritu ng Diyos ay nasa laman. Kaya naipapahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang lahat ng katotohanan para linisin at iligtas at gawing perpekto ang tao. Wala itong katapusan, hindi nauubos, kahit saan at kahit kailan. Tulad ng nakikita natin mula sa katotohanan na dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain, maipapahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang katotohanan kahit kailan at kahit saan para lutasin ang lahat ng paghihirap at pagkalito ng tao sa pananalig sa Diyos, na ginagawa ang kanyang tungkulin at pumapasok sa buhay. Masasagip Niya nang lubusan ang tao mula sa pananakop ni Satanas. Pero ang mga propeta ay mga ordinaryong tao lamang na walang diwa ng Diyos. Kaya hindi nila maipapahayag ang katotohanan. Magagawa lang nila ang kanilang mga tungkulin na ihatid ang salita ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta ay limitado. Limitado rin ang saklaw ng sinabi nila. Maihahatid lang nila ang mga salitang binigyang-inspirasyon sa kanila ng Diyos, wala nang iba. Kung wala ang inspirasyon ng Diyos, titigil ang mga tungkulin nila na ihatid ang mga salita ng Diyos. Bukod dito, ginawa lang ng mga propeta ang kanilang mga tungkulin na ihatid ang mga salita ng Diyos. Wala sa kanila ang katotohanan, ni hindi nila maipapahayag ang katotohanan. Ito ang kaibhan ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta sa mga salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao.

May isa pang kaibhan ang mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta sa mga salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao. Marami sa mga salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ay mga pananalita ng tao. Ang mga pananalita ay karaniwan at madaling maunawaan kapag narinig ng tao. Karamihan sa mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta ay mga banal na pananalitang mahirap maunawaan nang marinig ng tao. Tingnan natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang hindi pa naging tao ang Diyos, hindi masyadong naunawaan ng mga tao ang Kanyang sinabi, sapagka’t nanggaling ang Kanyang mga salita sa ganap na pagka-Diyos. Ang pananaw at ang konteksto ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi naaabot ng sangkatauhan; ipinahayag ito mula sa espirituwal na dako na hindi nakikita ng mga tao. Para sa mga taong nabuhay sa laman, hindi nila kayang bagtasin ang espirituwal na dako. Subali’t pagkatapos maging tao ng Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagkatao, at Siya ay lumabas at hinigitan ang saklaw ng espirituwal na dako. Kaya Niyang ipahayag ang Kanyang maka-Diyos na disposisyon, kalooban, at saloobin sa pamamagitan ng mga bagay na maiisip ng mga tao, mga bagay na kanilang nakita at nakaharap sa kanilang mga buhay, at gamit ang mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa wika na kanilang mauunawaan, at nang may kaalaman na kanilang maiintindihan, upang tulutan ang sangkatauhan na maunawaan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang intensyon at ang Kanyang hinihinging mga pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan at sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at prinsipyo ng gawain ng Diyos sa pagkatao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III).

Ito ang kabutihan ng pagkakatawang-tao ng Diyos: Mapakikinabangan Niya ang kaalaman ng sangkatauhan at magagamit ang wika ng tao upang magsalita sa mga tao, at upang ipahayag ang Kanyang kalooban. Ipinaliwanag Niya o ‘isinalin’ sa tao ang Kanyang malalim, maka-Diyos na wika na nahihirapan ang mga taong maunawaan sa wika ng tao, sa paraan ng tao. Nakatulong ito sa mga tao na maunawaan ang Kanyang kalooban at malaman kung ano ang nais Niyang gawin. Nagagawa rin Niyang makipag-usap sa mga tao mula sa pananaw ng tao, gamit ang wika ng tao, at magbigay-alam sa mga tao sa paraang nauunawaan nila. Nagagawa pa nga Niyang magsalita at gumawa gamit ang wika at kaalaman ng tao nang maaaring maramdaman ng mga tao ang kagandahang-loob at pagiging malapit ng Diyos, nang maaaring makita nila ang Kanyang puso(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III).

Nililinaw itong mabuti ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Lahat ng salitang sinambit ng Diyos bago Siya nagkatawang-tao ay banal na pananalita. Pagkatapos na magkatawang-tao, maaaring lampasan ng Diyos ang kaharian ng espirituwal na mundo at makausap ang tao sa pananalita ng tao mula sa pananaw ng tao. Dahil maaaring mamuhay ang Diyos na nagkatawang-tao sa piling ng tao, personal Niyang nararanasan at nasasaksihan ang pamumuhay ng sangkatauhan. Natututuhan Niyang maunawaan at nabibihasa Siya sa ilang kaalaman, sentido-komun, pananalita o mga pahayag mula sa mga tao sa pamamagitan ng pamumuhay sa piling ng tao. Kaya magagamit ng Diyos na nagkatawang-tao ang katalinuhan o personal na karanasan ng tao para magbigay ng mga halimbawa at lumikha ng mga talinghaga, at magsalita nang mas malinaw, lubusan, at tiyak tungkol sa mga ipinagagawa ng Diyos sa sangkatauhan, kalooban ng Diyos, diwa, disposisyon, at kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano ang Diyos. Kapag narinig ng tao ang mga salitang ito, mauunawaan niya nang tumpak ang kalooban ng Diyos, mahahanap ang daang tatahakin at papasukin, at kasabay nito, mauunawaan ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon ang Diyois at kung ano ang Diyos. Halimbawa, sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? Hanggang sa makapito?” Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito(Mateo 18:21–22). Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, mauunawaan natin na nais ng Diyos na matuto ang tao na patawarin ang iba, na patawarin sila nang walang kundisyon, kahit ilang beses, at magawa ito sa diwa ng pag-unawa at pagpaparaya sa kanila. Kasabay niyon, nakikita rin natin ang diwa ng kabutihan ng Diyos sa mga salita ng Panginoong Jesus. Ang iba pang mga halimbawa ay ang sermon ng Panginoong Jesus sa bundok tungkol sa mga pagpapala, galit, mga sumpa, pagmamahal sa kaaway, pagmamahal sa kapwa tulad sa sarili, ang talinghaga ng Panginoong Jesus tungkol sa nawawalang tupa, at iba pa, at lahat ng iyon ay sa pananalita ng tao. Matapos makinig, maaari nating maunawaan nang tumpak ang kalooban ng Diyos nang hindi naghahanap o nagsisiyasat, at malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa mga salitang ito. Malinaw na bahagi ito ng mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao. Inihatid lang ng mga propeta ang salita ng Diyos o nagpropesiya mula sa natanggap na inspirasyon ng Diyos. Lahat ng salitang ito ay mga banal na pananalita. Pahapyaw lang itong mauunawaan ng mga tao at hindi buung-buo. Ito ang malinaw na kaibhan ng pananalita ng mga propeta sa paghahatid ng salita ng Diyos sa salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao.

mula sa iskrip ng pelikulang Paghihintay

Sinundan: Tanong 1: Ngayon alam na ng lahat na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at Siya ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao! Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, tinig ng kasintahang lalake. Subalit maraming kapatid pa rin ang hindi makahiwatig sa tinig ng Diyos. Kaya nga, inimbitahan namin ngayon si Kapatid na Xiang mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Inimbitahan namin sila para ibahagi sa atin kung paano tukuyin ang tinig ng Diyos. Para malaman natin kung paano tiyakin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus.

Sumunod: Tanong 4: Binanggit ng Panginoong Jesus ang mga misteryo ng kaharian ng langit sa mga disipulo, at bilang nagbalik na Panginoong Jesus, naghayag na rin ba ng maraming misteryo ang Makapangyarihang Diyos? Maaari n’yo bang ibahagi sa amin ang ilan sa mga misteryong inihayag ng Makapangyarihang Diyos? Malaking tulong iyon sa amin sa pagtukoy sa tinig ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito