484 Ang Tunay na Paniniwala sa Diyos ay ang Pagsasagawa at Pagdanas ng Kanyang mga Salita
I
Sa praktikal na pagdanas lang
ng mga salita ng Diyos
tao’y kayang matustusan ng katotohana’t buhay.
Dito lang kayang maunawaan ng tao
kung ano’ng normal
sa sarili niyang pagkatao.
Dito lang kayang malaman ng tao
ang makabuluhang buhay,
kung ano ang isang tunay na nilalang,
ang katotohanan ng pagsunod sa Diyos,
pa’no Siya dapat pangalagaan ng tao,
pa’no gawin ang tungkulin ng isang nilalang
at taglayin ang wangis ng tunay na tao.
II
Sa praktikal na pagdanas lang
ng mga salita ng Diyos
kayang maunawaan
ang tunay na pananalig at pagsamba.
Dito lang kayang malaman ng tao
kung sino ang Pinuno
ng langit at lupa at lahat ng bagay.
Dito lang kayang maunawaan ng tao
kung pa’no ang
Panginoon ng lahat ay naghahari,
namumuno’t naglalaan
para sa lahat ng Kanyang nilikha.
Dito lang kayang makita ng tao
kung pa’no Siya umiiral,
kung pa’no Siya nagpapakita’t gumagawa.
III
Kung wala’ng tunay na karanasan
ng mga salita ng Diyos,
tao’y walang kaalaman nito at ng katotohanan.
Gayong tao’y talagang buhay na bangkay,
isang lalagyang walang laman,
kaalaman sa Lumikha’y
walang kinalaman sa kanya.
Sa mga mata ng Diyos, gayong tao’y
‘di kailanman naniwala sa Kanya,
gayong tao’y kailanman ‘di sumunod sa Kanya.
‘Di siya kinikilala ng Diyos bilang
tagasunod o mananampalataya,
lalong ‘di bilang isang tunay na nilalang.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paunang Salita