483 Kung Malaki Man O Maliit, Lahat ng Bagay ay May Halaga Kapag Sumusunod sa Daan ng Diyos

I

Upang masunod ang landas ng Diyos,

‘wag mong bitawan

ang anumang bagay na malapit sa iyo,

o kung ano ang mangyayari sa paligid mo,

kahit munti at maliit.


Hangga’t nangyayari ito,

kung ramdam mo nararapat ito

ng iyong pansin o hindi,

‘wag mong pabayaan,

tingnan ito bilang isang pagsubok mula sa Diyos.


At kung mayroon ka ng saloobing ito,

ito’y nagpapatunay ng isang bagay:

Ang iyong puso ay iginagalang ang Diyos

at gustong layuan ang lahat ng kasamaan.


Kung nais mong gawing masaya ang Diyos,

kung gayon hindi ka masyadong malayo

mula sa pamumuhay sa paggalang sa Diyos

at paglayo sa lahat ng kasamaan.


II

Mga bagay na malalaki o maliliit,

kapag sumusunod sa landas ng Diyos,

walang kahit anong pagkakaiba,

walang kahit anong pagkakaiba.


Mga bagay na wala kang pakialam

o ayaw pag-usapan,

naniniwala ka na malayo sila sa katotohanan,

sila’y basta binitawan mo,

nang walang labis na pag-iisip

kapag sila’y nangyari sa iyo.

Basta mo na lang binitawan

nang walang labis na pag-iisip.


Kung nais mong gawing masaya ang Diyos,

kung gayon hindi ka masyadong malayo

mula sa pamumuhay sa paggalang sa Diyos

at paglayo sa lahat ng kasamaan.


III

Isang bagay ang dapat

na maging malinaw sa iyo:

Kung ano ang mangyayari sa iyo,

dapat mong makita ito

bilang isang pagkakataon upang matuto

kung paano matakot sa Diyos

at layuan ang lahat ng kasamaan.

At dapat mong malaman kung ano

ang ginagawa ng Diyos kung gayon.

Siya ay nasa iyong tabi,

minamasdan ang lahat ng iyong salita at gawain,

at ang pagbabago ng iyong puso.

Ito ang gawa ng Diyos.


Kung nais mong gawing masaya ang Diyos,

kung gayon hindi ka masyadong malayo

mula sa pamumuhay sa paggalang sa Diyos

at paglayo sa lahat ng kasamaan,

at paglayo sa lahat ng kasamaan.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain

Sinundan: 482 Yaong mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala

Sumunod: 484 Ang Tunay na Paniniwala sa Diyos ay ang Pagsasagawa at Pagdanas ng Kanyang mga Salita

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

660 Awit ng mga Mananagumpay

1 Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito