431 Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik ng Iyong Puso sa Harap ng Diyos

Upang tanggapin ang salita ng Diyos,

dapat ka munang tumahimik sa harap Niya.

Kapag tahimik ka lang,

ika’y liliwanagan N’ya, sayo’y ipapaunawa.

Mas tahimik ang tao sa harap ng Diyos,

mas maraming kaliwanagan ang nakakamtan.

Tao’y dapat may kabanala’t pananalig—

ang tanging daan sa kasakdalan.

Tanging ‘pag tunay kang tahimik sa harap ng Diyos

ay mauunawaan mo’ng salita N’ya ngayon,

at tamang maisagawa’ng kaliwanagan ng Espiritu,

kayang maunawaan ang layunin ng Diyos,

na may malinaw na direksyon sa paglilingkod,

unawain ang pagkilos at paggabay ng Banal na Espiritu,

kayang mamuhay sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu.

Ito’ng mga bunga ng pagiging tahimik sa harap ng Diyos.


Ang susi sa espirituwal na buhay

ay ang maging tahimik sa harap ng Diyos.

Lahat ng pagsasanay ay magiging mabisa,

kung ika’y lalapit nang tahimik sa Kanya.

Kung ‘di tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos,

ay ‘di mo matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu.

Tanging ‘pag tunay kang tahimik sa harap ng Diyos

ay mauunawaan mo’ng salita N’ya ngayon,

at tamang maisagawa’ng kaliwanagan ng Espiritu,

kayang maunawaan ang layunin ng Diyos,

na may malinaw na direksyon sa paglilingkod,

unawain ang pagkilos at paggabay ng Banal na Espiritu,

kayang mamuhay sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu.

Ito’ng mga bunga ng pagiging tahimik sa harap ng Diyos.


Kapag sa tao’y di malinaw ang salita ng Diyos,

walang pagsasagawa’t di maunawaan ang layunin ng Diyos,

at ‘pag tao’y walang prinsipyo ng pagsasagawa,

ito’y dahil puso nila’y di tahimik sa harap ng Diyos.

Tanging ‘pag tunay kang tahimik sa harap ng Diyos

ay mauunawaan mo’ng salita N’ya ngayon,

at tamang maisagawa’ng kaliwanagan ng Espiritu,

kayang maunawaan ang layunin ng Diyos,

na may malinaw na direksyon sa paglilingkod,

unawain ang pagkilos at paggabay ng Banal na Espiritu,

kayang mamuhay sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu.

Ito’ng mga bunga ng pagiging tahimik sa harap ng Diyos.

Ang layunin ng pagiging tahimik

ay upang maging masigasig at makatotohanan,

maging malinaw tungkol sa salita ng Diyos at sa huli,

maunawaan ang katotohanan at makilala ang Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagpapatahimik sa Puso Mo sa Harap ng Diyos

Sinundan: 430 Pagtahimik sa Harap ng Diyos

Sumunod: 432 Maka-Diyos Yaong Madalas Tahimik sa Harap ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito