493 Nais Mo Bang Maging Bunga para sa Kaluguran ng Diyos?

I

Dapat laging handa ang mga tao ng Diyos

laban sa mga pakana ni Satanas,

protektahan ang pasukan ng bahay ng Diyos,

isa’t isa’y suportahan.

Upang makaiwas ka

sa bitag ni Satanas at pagsisisi.

Alam mo ba kung bakit madaliang

sinasanay kayo ng Diyos?


Ba’t sinasabi Niya sa inyo’ng

katunayan ng mundong espirituwal?

Ba’t kayo paulit-ulit

na pinaaalalahana’t pinapayuhan?

Napag-isipan niyo na ba ito?

Nauunawaan mo ba?


Dapat kayong maging mas bihasa

batay sa nakaraan,

alisin niyo’ng mga dumi n’yo

sa patnubay ng mga salita ngayon.

Tulutan ang mga salita ng Diyos

na mag-ugat at mamukadkad

sa espiritu mo, at mamunga higit sa lahat.


II

‘Di hangad ng Diyos

ang matitingkad na bulaklak,

kundi bungang hindi nasisira.

Mga bulaklak sa punlaan

ma’y kasingdami ng mga bituin,

kapag ito’y nalanta, walang papansin dito.

Nagiging punit-punit ito

tulad ng mga pakana ni Satanas.


Yaong nagpapatotoo sa Diyos

kahit pa mainit o mahangin,

kahit sila’y ‘di kasing-ganda,

mamumunga sila ‘pag nalanta.

‘Pagkat ang bunga nila ang hinihingi ng Diyos.

Ga’no niyo nauunawaan

‘pag sinasabi ito ng Diyos?


Dapat kayong maging mas bihasa

batay sa nakaraan,

alisin niyo’ng mga dumi n’yo

sa patnubay ng mga salita ngayon.

Tulutan ang mga salita ng Diyos

na mag-ugat at mamukadkad

sa espiritu mo, at mamunga higit sa lahat.


‘Pag mga bulaklak ay nalalanta’t

namumunga para sa kasiyahan ng Diyos,

gawain Niya sa lupa’y matatapos,

at tatamasahin Niya’ng bunga

ng karunungan Niya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 3

Sinundan: 492 Payo ng Diyos sa Tao

Sumunod: 494 Ang Realidad ay Dumarating Lamang sa Pamamagitan ng Pagsasagawa ng mga Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito