494 Ang Realidad ay Dumarating Lamang sa Pamamagitan ng Pagsasagawa ng mga Salita ng Diyos
I
Nais ng Diyos na gawai’t salita Niya’y magdala
ng pagbabago sa inyong disposisyon.
Layunin Niya’y hindi lang ‘to
basta ipaunawa sa inyo.
Dapat ninyong maranasan
ang katotohanan nang detalyado,
at galugari’t hangarin ‘to nang mas detalyado.
Kung alam ng tao ang salita ng Diyos
pero ‘di ‘to ‘sinasagawa,
‘di nila mahal ang katotohana’t maaalis sa huli.
Para maging Pedro ng 90s,
isagawa’ng salita ng Diyos,
magkaro’n ng tunay na pagpasok,
at higit na kaliwanagan.
Mas makatutulong ‘to sa buhay n’yo.
Ang proseso ng paniniwala sa Diyos
ay ang proseso
ng pagdanas sa mga salita Niya,
ang makamit Niya.
Ang maniwala’y ang alamin
at unawain mga salita Niya,
danasi’t isabuhay ‘to.
Realidad ‘to ng pananampalataya.
II
Kung nakabasa kayo ng maraming salita Niya
ngunit kahulugan lang ng letra ang alam,
at walang personal na karanasan,
‘di mo malalaman salita Niya.
Sa’yo mga salita Niya’y
mga walang buhay na titik lamang.
Diwa nito’y ‘di mo mauunawaa’t
‘di malalaman kalooban Niya.
Tanging ‘pag naranasan mo’ng
salita Niya sa buhay mo’y
magbubukas ang espirituwal na kahulugan sa’yo.
Sa karanasan mo lang mauunawaan
kahulugang espirituwal
ng maraming katotohanan
at mabubuksan ang hiwaga ng salita Niya.
Kung salita Niya’y ‘di mo isinasagawa,
gaano man ito kalinaw,
mauunawaan mo lang
ay hungkag na titik at doktrina,
na magiging mga relihiyosong tuntunin.
‘Di ba ‘yan ang ginawa ng mga Fariseo?
Kung naniniwala kayo sa Diyos,
umaasam ng buhay na walang hanggan,
pero salita Niya’y ‘di ‘sinasagawa,
kayo ay tunay na hangal.
Ang proseso ng paniniwala sa Diyos
ay ang proseso
ng pagdanas sa mga salita Niya,
ang makamit Niya.
Ang maniwala’y ang alamin
at unawain mga salita Niya,
danasi’t isabuhay ‘to.
Realidad ‘to ng pananampalataya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa