492 Payo ng Diyos sa Tao
Ⅰ
Hinihimok ka ng Diyos, teorya’y ‘wag pag-usapan,
kundi bagay na totoo, dalisay, at mahalaga.
“Makabagong sining,” ang s’yang pag-aralan.
Magsalita’t mag-ambag ng makatotohanang bagay.
T’wing nagsasalita, realidad ay harapin.
‘Wag makibahagi sa labis na usapan,
upang kapwa’y lumigaya, ika’y hangaan.
Anong halaga nito, bakit inaantig sigla ng tao para sa’yo?
Sikaping sa bawa’t kilos tahanan ng Diyos makinabang.
Masining sa salita, patas sa gawa.
Hayaang gabayan ng konsensya ang damdamin.
Gumawa nang makatwiran,
magsalita nang makatotohanan.
‘Wag gantihan ng muhi ang kabaitan.
‘pag may kabutihan, pasalamatan.
‘Wag tangkain, maging ipokrito,
nang ‘di maging masamang impluwensya sa tao.
Ⅱ
Kapag kumakai’t umiinom ka ng salita ng Diyos,
mga ito’y iugnay sa realidad.
Magsalita nang makatotohanan, ‘wag magmataas.
Magtiyaga, magparaya, magpakumbaba.
Maging mapagbigay sa mga tao.
Maging malawak-ang-isip at mabait.
Talikdan ang laman kung di-mabuti ang iniisip.
Salitain tunay na landas, ‘di ‘yong ‘di malirip.
‘Wag labis magsaya, magbigay pa, ‘wag maging makasarili.
Kalooban ng Diyos limiin, konsensya mo’y dinggin.
Paano ka kinakausap ng Diyos ay alalahanin.
Laging makibahagi’t manalangin.
‘Wag malito, maging matino, magkamit ng pag-unawa.
Umiwas agad sa kasalanan, h’wag pabayaan,
kung ‘di’y sumpa lang ng Diyos ang ‘yong makakamtan.
Maging maingat sa ‘yong ginagawa.
Ⅲ
Mahabag sa iba at ‘wag manakit ng kapwa.
Magsalita tungkol sa katotohanan
at buhay, tumulong sa iba.
Paggawa ay dagdagan, pagsasaliksik bawasan.
Sikapin pang maantig, maperpekto ng Diyos.
Paraan ng tao’y bawasan pa.
Ang ‘yong mababaw na pag-uugali
ay kasuklam-suklam at kailangang alisin.
Sikaping itama nakakamuhing kalagayan ng isip.
Ang tao’y sumasakop ng labis sa ‘yong puso.
Maging makatwiran, ibigay pa sa Diyos ang puso mo.
Pangunahing sa Diyos ang “templo”,
‘di dapat sakupin ng mga tao.
Sa buod, magtuon sa katuwiran kaysa damdamin.
Magsalita tungkol sa realidad, ‘di sa kaalaman,
sa landas ng pagsasagawa, ‘di labis na salita.
Mula ngayo’y manahimik at magsagawa.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Magtuon ng Higit na Pansin sa Realidad