563 Ang mga Pangunahing Prinsipyo ng Paglutas sa Kalikasan ng Isang Tao

Ang paglutas sa sariling kalikasan ay nagsisimula sa pagtalikod sa laman. Ang pagtalikod sa laman ay nangangailangan din ng pagkakaroon ng mga prinsipyo. Maaari bang talikdan ng isang tao ang laman habang natataranta? Sa sandaling makaranas ka ng problem, ikaw ay bibigay sa laman. May isang prinsipyo na napakakritikal, at iyon ay, kapag nakakaranas ng problema, dapat kang lalo pang maghanap; dapat mong dalhin iyon sa harap ng Diyos at gumugol ng mas maraming panahon upang isaalang-alang ito. Bilang karagdagan, bawat gabi, dapat mong suriin ang iyong mga kalagayan at suriing mabuti ang iyong sariling pag-uugali: aling mga gawa mo ang ginawa ayon sa katotohanan at alin ang mga paglabag sa mga prinsipyo? Ito ay isa pang prinsipyo. Ang dalawang puntong ito ang pinakamahalaga: Ang una ay dapat suriin ang mga isyu kapag nangyayari ang mga ito, at ang isa pa ay ang magnilay sa sarili pagkatapos. Ang ikatlong prinsipyo ay ang maging napakalinaw kung ano ang pakahulugan ng pagsasagawa ng katotohanan at kung ano ang sinasabing paggawa sa mga bagay sa isang maprinsipyong paraan. Kapag ikaw ay malinaw na malinaw na rito, gagawin mo ang mga bagay-bagay nang tama. Sa pagkapit sa tatlong prinsipyong ito, makakayanan mong isagawa ang pagpipigil. Ang tiwali mong kalikasan ay hindi magagawang ibunyag ang sarili nito o magpaibabaw na muli. Ang mga ito rin ang mga pangunahing prinsipyo sa paglutas ng pantaong kalikasan.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 562 Mahalagang Malaman ang Inyong Sariling mga Saloobin at Pananaw

Sumunod: 564 Ang Pagninilay sa Sarili Mo sa Ganitong Paraan ay Mahalaga

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito