562 Mahalagang Malaman ang Inyong Sariling mga Saloobin at Pananaw
Ang pagkilala sa ating sarili ay ang pagkilala sa mga bagay na nasa isipan natin at mga pananaw na taliwas sa Diyos, na hindi tugma sa katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan. Ang pagmamataas ng tao, pagmamagaling, mga kasinungalingan, at panlilinlang, halimbawa, ay mga aspeto ng isang tiwaling disposisyon na madali para sa mga tao na alamin. Bilang karagdagan, lahat ay mayroong pagmamataas at panlilinlang, bagama’t sa magkakaibang antas. Subalit, ang mga iniisip ng tao at mga pananaw ay hindi madaling alamin; hindi sila kasing dali ng pag-alam sa disposisyon ng tao. Ito ay mga bagay na malalalim ang pinagmumulan. Samakatuwid, kapag natamo mo ang kaunting pagbabago sa iyong pag-uugali at panlabas na asal, marami pa ring mga aspeto ng iyong pag-iisip, mga kuru-kuro, mga pananaw, at ang edukasyon ng mga kulturang tradisyonal na natanggap mo na taliwas sa Diyos at hindi mo pa natutuklasan. Ito ang mga malalalim na bagay na nagbubunga sa ating pagkapoot sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago