218 Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas

Ang gawain ng Banal na Espiritu’y

araw-araw nagbabago,

mas mataas sa bawat hakbang

nang may mas maraming pagbubunyag.

Ganito gumagawa ang Diyos

upang maperpekto ang sangkatauhan.

Kung di makasasabay ang tao,

maaaring maiwan siya.

Kung walang pusong handang sumunod,

di siya makasusunod hanggang sa wakas.


Lipas na ang dating panahon,

at bagong kapanahunan na ito.

Kapag dumarating ang bagong panahon,

bagong gawain ay dapat magawa.

At sa huling panahon kapag

pineperpekto ng Diyos ang tao,

ang Diyos ay gagawa nang napakabilis,

ginagawa ang bagong gawain.

At kaya kung walang masunuring puso,

napakahirap sundan ang mga yapak ng Diyos!

Ang mga likas na sumusuway,

kusang kinakalaban gawa ng Diyos, mapag-iiwanan sila,

mabilis ang pagsulong ng gawain ng Diyos.

Tanging ang mga sumusunod,

masayang nagpapakumbaba ng sarili

ang makasusulong hanggang

sa wakas, sa dulo ng landas.


Ang gawain ng Diyos ay hindi di-nagbabago

ni saklaw ng mga patakaran,

kundi ito’y laging mas bago,

ito’y laging mas mataas.

Ang Kanyang gawa ay nagiging

mas praktikal sa bawat hakbang,

mas lalong nakaayon sa aktuwal

na mga pangangailangan ng sangkatauhan.

Tanging kapag dumaan ang tao

sa ganitong uri ng gawain,

maaaring magbago sa wakas

ang kanyang disposisyon.


Lumalago ang kaalaman ng tao tungkol sa buhay,

kung kaya’t iniaangat ng Diyos Kanyang gawain.

Ganyang pineperpekto ng Diyos ang tao

at ginagawa siyang akma para magamit ng Diyos.

Kinakalaban, itinatama ng Kanyang gawa

ang mga pagkaunawa ng tao,

inaakay sila sa mas mataas, mas tunay na kalagayan,

ang pinakamataas na antas ng pananalig sa Diyos,

upang kalooban Niya’y matutupad.

Ang mga likas na sumusuway,

kusang kinakalaban gawa ng Diyos, mapag-iiwanan sila,

mabilis ang pagsulong ng gawain ng Diyos.

Tanging ang mga sumusunod,

masayang nagpapakumbaba ng sarili

ang makasusulong hanggang

sa wakas, sa dulo ng landas.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Sinundan: 217 Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu para Papuri ng Diyos Matamo

Sumunod: 219 Gumising Nang Maaga, Ikaw na Matalino

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito