301 Sana’y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso
I
Nananatili Ka sa ‘kin sa tagsibol at taglagas,
kasama ko sa tag-init at taglamig.
Ang masdan ang malungkot Mong mukha,
puso ko’y nagdadalamhati.
‘Di ko na nalaman ang pag-iisa Mo,
ni inaliw ang sakit na nadarama.
Pagharap sa taos-pusong mga payo Mo,
madalas matigas ang ulo ko.
Lagi Kitang sinasaktan, lagi Kitang binibigo.
Wala akong alam hanggang
sumapit ang pagtutuwid Mo.
Ako’y malapit sa iyong tabi,
pasan Mo’y ‘di ko napapagaan.
Pa’no malalaman ng isang manhid
ang pagdurusa Mo?
II
Para sa ninanasa ko’t sa laman,
nalimutan ko’ng katotohana’t moralidad.
‘Pag nalulula ako sa panghihinayang,
nasasaktan ko na ang puso Mo.
Walang nakakaunawa sa kalungkutan Mo.
Tiwali, dumaraing ako sa hirap.
Sa kasakiman humihingi ako sa ‘Yo.
Sino ang karamay sa mga alalahanin Mo?
Sa pag-ibig at tunay na damdamin,
puso Mo ang pinakamabuti.
Sino kayang mas gaganda pa sa ‘Yo,
sino’ng higit na igagalang!
Laging kasama Mo,
sa ‘Yo’y ‘di ako kailanman hihiwalay.
Nawa’y makita ang galak sa mukha Mo,
at manatili Ka sa puso ko.
Nawa’y makita ang galak sa mukha Mo,
at manatili Ka sa puso ko.