240 Ang mga Tumanggi kay Cristo ng mga Huling Araw ay Paparusahan Magpakailanman
Tao may walang pake sa sinasabi ng Diyos,
nais Niya pa ring sabihin
sa bawat tinaguriang banal
na sumusunod kay Jesus:
I
‘Pag nakikita ng ‘yong mga mata na
bumababa si Jesus sakay ng ulap,
ito’y publikong pagpapakita
ng Araw ng katuwiran.
Maaaring masasabik kang
makitang bumababa si Jesus,
ngunit alamin na oras na rin para
maparusahan ka sa impiyerno.
Sa gayon, plano ng pamamahala ng Diyos
ay magwawakas na.
Gagantimpalaan Niya’ng mabuti’t
masama’y parurusahan.
‘Pagka’t tapos na’ng paghatol ng Diyos
bago makita ng tao’ng mga tanda,
kung kailan mayro’n lang
pagpapahayag ng katotohanan.
II
Silang tumatanggap sa katotohana’t
‘di naghahanap ng tanda’y dinadalisay;
sila’y nakabalik sa trono ng Diyos
at nakapasok sa yakap Niya.
Walang-hanggang kaparusahan ang
naghihintay sa naniniwala pa na
"Ang Jesus na ‘di nakasakay sa
ulap ay huwad na Cristo."
‘Pagkat naniniwala lang sila sa Jesus
na nagpapakita ng tanda’t
‘di sa Kanya na may paghatol
at tunay na daan at buhay.
Kaya, mahaharap lang sila ni Jesus
‘pag hayagan Siyang nagbabalik
sakay ng ulap sa langit.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa