Ang Pag-ibig ng mga Tao ay Nagiging Malinis Lamang sa Gitna ng Pagdanas ng Kadalisayan
I
Sa buong buhay niya,
dumanas si Pedro ng daan-daang masasakit na pagsubok.
Gayong kadalisayan ang saligan
ng kanyang pinakamataas na pag-ibig sa Diyos.
Ito ang pinaka-makabuluhang karanasan
sa buong buhay niya.
Ang pag-ibig niya sa Diyos ay dahil sa kanyang kalooban,
pero mas ayon sa kadalisayan at pagdurusa n'ya.
Ang gayong pagdurusa ang kanyang gabay
sa pagmamahal sa Diyos,
bagay na 'di niya malilimutan kailanman.
Kung ang mga tao ay hindi daranas ng sakit
ng kadalisayan sa pagmamahal sa Diyos,
pag-ibig nila'y sinusundan likas na landas,
ay puno ng mga kagustuhan.
Kung mga tao'y 'di daraan sa sakit
ng kadalisayan sa pagmamahal sa Diyos,
pag-ibig nila'y puno ng kaisipan ni Satanas
at 'di masisiyahan ang kalooban ng Diyos.
II
Ang pagpapasiyang mahalin ang Diyos
ay 'di tulad ng tunay na pagmamahal sa Diyos.
Ang nasa puso ng tao ay maaaring pagmamahal,
bigyan Siya ng kasiyahan,
na parang wala itong mga ideya ng tao,
na parang lahat ng ito ay para sa Diyos.
Pero sa harap ng Diyos,
lahat ito'y 'di maaaring purihin o pagpalain.
Kahit kapag maaaring maunawaa't malaman lahat ng katotohanan,
di 'yan tanda ng tunay na pagmamahal sa Diyos.
Bagama't maaaring naunawaan ng mga tao
maraming katotohanan walang kadalisayan,
'di nila kayang isagawa ang mga katotohanang ito.
Pag nadadalisay lang sila ma'aring tunay na maunawaan ng tao
ang tunay na kahulugan ng mga katotohanang ito
at maranasan ang malalim na kahulugan ng mga ito.
III
Sa panahong iyon kaya nilang
isagawa nang wasto ang katotohanan
ayon sa kalooban ng Diyos.
At uurong ang kanilang kaisipan ng tao,
mababawasan ang kalikasan ng tao.
At sa panahong iyon
lahat ng damdamin nila bilang tao'y mababawasan din.
Noon lamang, tunay na ipapahayag ng lahat ng ginagawa nila
ang pagmamahal sa Diyos.
Ang katotohanan ng pagmamahal sa Diyos
ay 'di nagbubunga sa kaalaman ng mga salita,
o mga pangarap o pang-unawa,
kundi kailangang bayaran ang halaga.
Hinihingi nitong magdusa ang tao,
magdusang malaki sa kadalisayan.
Saka lang magiging malinis ang pag-ibig ng tao
at tiyak na masisiyahan ang puso ng Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao