240 Pag-ibig ng Diyos ang Nagligtas sa Akin

1 Sa kabila ng maraming taon ng pananampalataya sa Panginoon, palagi akong namumuhay sa gitna ng mga relihiyosong doktrina, mga haka-haka, at mga guni-guni, ni hindi alam kung paano mararanasan ang mga salita ng Panginoon o kung ano ang kahulugan ng pagpapasakop sa Kanya. Sa kakayahan kong magsalita tungkol sa mga biblikal na kaalaman at doktrina, itinuring kong may pagkaunawa sa katotohanan ang aking sarili, at ang aking mga paggugol at pagdurusa para sa Panginoon ay ginawa ko lahat upang makapagtamo ng mga pagpapala at makapasok sa kaharian ng langit. Pagdating sa masamang puwersa ni Satanas, tinatanggap ko na lang ito, at hindi nagsisikap na kilalanin ito; nanalangin pa nga ako at nagmakaawa sa Diyos para sa mga biyaya sa kapakanan ng malademonyong namumuno. Tunay akong hangal, mangmang, at bulag. Kung hindi dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan para linisin at iligtas tayo, tayong mga lubos na naging tiwaling tao ay patuloy lang na maghihirap sa gitna ng kasalanan. Paano tayo magiging karapat-dapat sa pagliligtas sa mga huling araw?

2 Salamat sa pagdating ng paghatol ng Diyos, nagtamo ako ng malinaw na pananaw sa totoong anyo ng aking katiwalian. Sa aking pananampalataya sa Diyos, ang alam ko lang ay kung paano subukang makipagtawaran sa Kanya; hindi ko Siya taos-pusong inibig kailanman. Sa pagharap ng mga pagsubok at pagpipino, hindi ko hinangad ang katotohanan, at nagawa ko pang magreklamo at magmaktol tungkol sa Diyos. Dahil nakikita ko na ang Kanyang gawain ay hindi naaayon sa aking mga haka-haka, pinagdudahan ko pa Siya, hinusgahan, at kinondena. Bagama’t nananampalataya sa Diyos, hindi ko kinilala ang Kanyang matuwid na disposisyon, at hindi nagpakita ng anumang takot o kahit na anong pagpapasakop sa Kanya. Ipinakita ng mga katotohanan na ako’y naging lubhang masuwayin at lumalaban. Nalantad ang aking pangit na kaanyuan. Ngayon, tinatamasa ko ang paghatol ng Diyos, at nalilinis ang aking katiwalian, lahat ay dahil sa Kanyang pag-ibig at habag. Ang matamo ng isang tiwaling taong katulad ko ang dakilang pagliligtas ng Diyos, paanong hindi ako magpapasalamat para sa Kanyang pag-ibig? Ang pagiging mapalad na mahatulan at matamo ang katotohanan sa mga huling araw ay ang pinakadakila sa aking mga pagpapala. Ang pag-ibig ng Diyos ang naging dahilan upang makamit ko ang kaligtasan. Pinasasalamatan at pinupuri ko ang Makapangyarihang Diyos. Tanging ang Diyos ang lubusang umiibig sa tao.

Sinundan: 239 Ang Diyos ang Nagligtas sa Akin

Sumunod: 241 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Laging Nananatili sa Aking Puso

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito