241 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Laging Nananatili sa Aking Puso
Ⅰ
Sa aking paglalakbay sa pagsunod sa Diyos,
nasiyahan ako sa lahat ng Kanyang pagmamahal.
Ang Kanyang mga salita at mga kinakailangan
ay ang lahat ng Kanyang pag-iingat at pagmamahal.
Sa panahon ng aking matinding kahinaan,
ang mga salita ng Diyos ang pumukaw sa akin
na hanapin ang katotohanan.
Sa lahat ng mga oras na ako’y bigo,
ang Kanyang mga salita ang pumukaw sa akin
na mahalin Siya magpakailanman.
Diyos, ang Iyong pagmamahal ay walang pag-iimbot, at mahalaga.
Ang Iyong pagmamahal sa akin ay lubos kong nadarama ngayon.
Makapangyarihang Diyos, Ikaw ay lubos na kaibig-ibig.
Pag-ibig Mo’y naaalala ko.
Ⅱ
Ang pag-ibig ng Diyos para sa tao’y malinaw at totoo.
Ang Kanyang mga paghatol at mga pagsubok
ay naglalayong linisin at gawing perpekto ako.
Ang Kanyang pagpipino ay tumutulong sa akin na lumago.
Nagdusa ang Diyos ng matitinding paghihirap
upang pamunuan ako, nanatiling lagi sa tabi ko.
Nagreklamo ako at hindi Siya naunawaan,
at nagpaubaya Siya sa mga panahong iyon.
Diyos, ang Iyong pagmamahal ay walang pag-iimbot, at mahalaga.
Ang Iyong pagmamahal sa akin ay lubos kong nadarama ngayon.
Makapangyarihang Diyos, Ikaw ay lubos na kaibig-ibig.
Pag-ibig Mo’y naaalala ko.
Ⅲ
Ang walang pag-iimbot na pag-ibig ng Diyos
ay ipinagpalit para sa aking kaligtasan.
Ang katotohanan na ipinagkaloob ng Diyos
ay nagbigay sa akin ng tunay na buhay.
Oh! Makapangyarihang Diyos,
ang Iyong pag-ibig ay nananatili sa aking puso.
Oh Makapangyarihang Diyos, mamahalin Kita magpakailanman.
Kahit gaano ako kasama o gaano man ako kahirap intindihin,
ang Diyos ay palaging mapagpasensya,
palaging pinapakain at pinapainom ako.
Sa pag-uusig, mga kabiguan at pagkabigo,
ang mga salita ng Diyos ay nagpasigla sa akin.
Ang Kanyang pag-ibig ay pinaka-maganda at totoo.
Magpakailanman ako’y makapagsasalita sa ganitong paraan.
Ang walang pag-iimbot na pag-ibig ng Diyos
ay ipinagpapalit para sa aking kaligtasan.
Ito ang katotohanan na ipinagkaloob ng Diyos
na nakukuha ko ang tunay na buhay.
Diyos, ang Iyong pagmamahal.
Diyos, ang Iyong pagmamahal ay walang pag-iimbot, at mahalaga.
Ang Iyong pagmamahal sa akin ay lubos kong nadarama ngayon.
Makapangyarihang Diyos, Ikaw ay lubos na kaibig-ibig.
Pag-ibig Mo’y naaalala ko. Pag-ibig Mo’y naaalala ko.