43 Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos

I

Minsan ay sinabi ng Diyos:

Anumang sabihin Niya’y sinadya’t mangyayari,

‘di mababago ninuman.

Maging ito’y sinabi noon

o salitang sasabihin pa lang,

lahat ng ‘to’y magaganap,

upang makita ng lahat.

Ito’ng prinsipyo ng gawain ng salita ng Diyos.


Lahat sa sansinukob ay itinatakda ng Diyos.

Anong wala sa kamay ng Diyos?

Lahat ng sinasabi ng Diyos ay magaganap.

Sinong makapagbabago sa kalooban Niya?

Ito kayang kasunduang

ginawa ng Diyos sa lupa?

Walang makahahadlang

sa pagsulong ng plano ng Diyos.

Gumagawa’ng Diyos sa lahat ng oras.

Lahat ay nasa kamay Niya.


II

Laging gumagawa ang Diyos

sa pagpaplano ng pamamahala Niya.

Sinong maaaring makialam?

‘Di ba’t Diyos pa rin

ang nangangasiwa ng lahat?

Ang kalagayang meron ngayon

ay nasa plano at pangitain ng Diyos.


Lahat sa sansinukob ay itinatakda ng Diyos.

Anong wala sa kamay ng Diyos?

Lahat ng sinasabi ng Diyos ay magaganap.

Sinong makapagbabago sa kalooban Niya?

Ito kayang kasunduang

ginawa ng Diyos sa lupa?

Walang makahahadlang

sa pagsulong ng plano ng Diyos.

Gumagawa’ng Diyos sa lahat ng oras.

Lahat ay nasa kamay Niya.


III

Ito ang itinakda Niya.

Sino sa inyo’ng makakaarok

sa plano ng Diyos sa hakbang na ito?

Makikinig ang bayan ng Diyos sa Kanyang tinig.

Mga tunay na nagmamahal sa Diyos

ay babalik sa harap ng Kanyang trono!


Lahat sa sansinukob ay itinatakda ng Diyos.

Anong wala sa kamay ng Diyos?

Lahat ng sinasabi ng Diyos ay magaganap.

Sinong makapagbabago sa kalooban Niya?

Ito kayang kasunduang

ginawa ng Diyos sa lupa?

Walang makahahadlang

sa pagsulong ng plano ng Diyos.

Gumagawa’ng Diyos sa lahat ng oras.

Lahat ay nasa kamay Niya.

Lahat ay nasa kamay Niya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 1

Sinundan: 42 Ang Panahong Nawala ay Hindi na Kailanman Darating Muli

Sumunod: 44 Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

998 Ang Mensahe ng Diyos

ⅠNakaraa’y lumipas na,huwag na ditong kumapit pa.Nanindigan kayo kahapon.Maging tapat sa Diyos ngayon.Ito’ng dapat n’yong malaman.Kahit...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito