44 Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob
Ⅰ
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa’y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi’t ginagawa.
Tao’y kilala ng Diyos gaya ng palad N’ya.
Lihim na dako’y tahanan ng Diyos,
kalawaka’y higaan Niya.
Kampon ni Satanas ‘di abot ang Diyos,
puspos S’ya ng kamahalan, katuwiran, at paghatol.
Ⅱ
Niyapakan ng Diyos ang lahat,
tanaw N’ya umaabot sa sansinukob.
At lumakad ang Diyos sa gitna ng tao,
tinikman ang tamis at pait,
lahat ng lasa ng mundo ng tao;
pero tao’y ‘di kailanman tunay nakilala ang Diyos,
ni napansin nila Kanyang paglakad sa ibayo.
Dahil tahimik ang Diyos,
at ‘di gumawa nang kamangha-mangha,
kaya, walang tunay na nakakita sa Kanya.
Mga bagay ngayo’y ‘di tulad nang dati:
gagawa ang Diyos ng mga bagay
na ‘di pa nakita ng mundo sa buong panahon,
magsasalita ang Diyos na ‘di kailanman
narinig ng tao sa buong panahon,
dahil gusto Niyang makilala ng sanlibutan
ang Diyos sa katawang-tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 5