155 Lumalapit ang Lahat ng Bansa sa Iyong Liwanag
I
Iyong binubuksan ang malawak Mong yakap
upang haplusin ang sangkatauhan sa pagdaing nito.
Iyong iniindayog
ang malakas at maarugang mga bisig mo,
at ang ‘Yong mga matang maningning ay kumikinang!
At inaalalayan kami ng ‘Yong pag-ibig at awa,
at nagpapakita ang mal’walhati Mong mukha.
Sa malawak na mundong kay tagal nang malabo,
narito ngayon ang ‘Yong mga sinag ng liwanag.
At ang mundo nami’y namamatay,
lugmok at masama,
at tumatawag siya sa pagbabalik ng Tagapagligtas.
Iyong dala’y pag-asa sa sangkatauhan,
at pagtatapos sa dalawang milenyong paghihintay!
II
Iyong binubuksan ang malawak Mong yakap
upang haplusin ang sangkatauhan sa pagdaing nito.
Iyong iniindayog
ang malakas at maarugang mga bisig mo,
at ang ‘Yong mga matang maningning ay kumikinang!
At ang mundo nami’y namamatay,
lugmok at masama,
at tumatawag siya sa pagbabalik ng Tagapagligtas.
At ang mundo nami’y namamatay,
lugmok at masama,
at tumatawag siya sa pagbabalik ng Tagapagligtas.
Iyong dala’y pag-asa sa sangkatauhan, at pagtatapos
sa dalawang milenyong paghihintay, paghihintay!
Lahat ng mga bansa’y lumalapit sa liwanag Mo,
napalaya sa pagkasupil ng kasamaan.
‘Wag nang hayaang umiral ang kadiliman,
malayang sumigaw
“Purihin banal Mong ngalan nang walang hanggan!”

“Purihin banal Mong ‘ngalan nang walang hanggan!”
Lahat ng mga bansa’y lumalapit sa liwanag Mo,
napalaya sa pagkasupil ng kasamaan.
‘Wag nang hayaang umiral ang kadiliman,
malayang sumigaw
“Purihin banal Mong ‘ngalan nang walang hanggan!”