154 Mahal Ko, Pakihintay Ako

Sa ibabaw ng mga puno, umaakyat sa payapang buwan.

Bilang mahal ko, marikit at maganda.

O mahal ko, nasaan Ka?

Ngayon ako’y lumuluha. Naririnig Mo ba akong umiiyak?

Ikaw ang Siyang sa aki’y nagmamahal.

Ikaw ang Siyang sa aki’y kumakalinga.

Ikaw ang Siyang sa aki’y nag-iisip lagi.

Ikaw ang Siyang nagpapahalaga sa aking buhay.

Buwan, balik sa kabilang panig ng papawirin.

Huwag mong paghintayin ang mahal ko nang matagal.

Pakisabi sa Kanya na nangungulila ako sa Kanya.

Huwag kalimutang dalhin ang aking pagmamahal,

dalhin ang aking pagmamahal.


Mailap na mga gansang magkakapareha, lumilipad sa malayo.

Dadalhin ba nila pabalik ang wika mula sa aking mahal?

O, pakiusap pahiramin ako ng inyong mga pakpak.

Makalilipad ako pabalik sa aking mainit na sariling bayan.

Susuklian ko ang pag-aalala ng aking minamahal.

Nais kong sabihin sa Kanya: Huwag Kang malungkot!

Ibibigay ko sa Iyo ang sagot na ikinasisiya Mo.

Upang hindi masayang ang Iyong mga pagsisikap.

Gaano ko kanais na ako’y lumaki na agad,

upang lumaya sa buhay na masakit at pagala-gala.

O mahal ko, pakihintay ako.

Lilipad akong palayo sa luho ng mundong ito.

Susuklian ko ang pag-aalala ng aking mahal.

Nais kong sabihin sa Kanya: Huwag Kang malungkot!

Ibibigay ko sa Iyo ang sagot na ikinasisiya Mo.

Upang hindi masayang ang Iyong mga pagsisikap.

Gaano ko kanais na ako’y lumaki na agad.

Sinundan: 153 Ang Aming Kagalakan sa Pagliligtas ng Diyos

Sumunod: 155 Lumalapit ang Lahat ng Bansa sa Iyong Liwanag

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito