973 Lahat ng Sinasabi at Ginagawa ng Diyos ay ang Katotohanan
I
Kaugnay sa likas na kasamaan ni Satanas
at sa tiwaling disposisyon ng sangkatauhan,
kailanma’y ‘di nakikipagtalo
ang Diyos sa sinuman,
o nagrereklamo ‘pag tao’y
gumagawa ng ignoranteng bagay.
Pananaw ng Diyos ay ‘di tulad ng sa tao.
‘Di mo Siya makikitang
gamit ang pananaw o kaalaman ng tao;
‘di Niya gagamitin ang pilosopiya o siyensya
o imahinasyon nila para harapin ang mga bagay.
Bawat bagay na ginagawa ng Diyos
at lahat ng ‘binubunyag Niya
ay konektado sa katotohanan.
Bawat salitang nasabi Niya,
bawat kilos na nagawa Niya,
lahat ‘to’y may kinalaman sa katotohanan.
II
Katotohana’t mga salitang ‘to’y
‘di ilusyong walang saysay;
ito’y ‘pinahahayag ng Diyos
mula sa Kanyang diwa’t buhay.
Dahil ang diwa ng lahat ng nagawa ng Diyos
pati mga salitang nasabi Niya’y katotohanan,
masasabi na ang diwa ng Diyos ay banal.
Lahat ng sinasabi’t ginagawa Niya’y
naghahatid ng sigla’t liwanag,
pinapakita’ng mga positibong bagay,
itinuturo’ng daan upang makalakad sila
sa tamang landas.
Ang mga bagay na ‘to’y natutukoy
dahil sa diwa ng Diyos
at dahil sa diwa ng Kanyang kabanalan.
Bawat bagay na ginagawa ng Diyos
at lahat ng ‘binubunyag Niya
ay konektado sa katotohanan.
Bawat salitang nasabi Niya,
bawat kilos na nagawa Niya,
lahat ‘to’y may kinalaman sa katotohanan.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V